Virac, Catanduanes– Naging emosyonal ang mga nanalong kandidato at kandidata sa tradisyunal na ginoo at binibining Catanduanes 2017 noong ika-25 ng Oktubre, 2017 sa Virac Sports Center, Virac, Catanduanes.

Halos lumukso sa tuwa si 2017 Ginoong Catanduanes Neil Bruce Isorena ng Pandan at si Binibining Catanduanes Nicole Clarence Magtangob ng Virac nang tanghalin sila bilang ginoo at binibining Catanduanes 2017. Hindi magkamayaw ang mga nanuod ng nasabing prestihiyosong patimpalak sa naging makulay na presentasyon simula pa sa talent night noong Oktubre 23, 2017 sa Virac Town Center hanggang sa coronation night noong Oktubre 25, 2017 naman ay coronation night.

Kanya-kanyang tagisan ng galing ang mga contestants sa swimwear, cultural attire at modern long gown competition. Samantala, nangibabaw rin ang mga kakayahan ng mga nag-gagandahan at nag-guguwapuhang kalahok sa question and answer portion.

Samantala, kasama sa mga pinarangalan ay sina ng 1st Runner Up Ron Aldrene Madrigal ng Viga at Stephany Mae Chi ng Bato; 2nd Runner Up Ryan Anthony Bruce ng San Andres at Jennifer Laxamana ng Bagamanoc; 3rd Runner Up Marcniel Alwin Agnes ng Bato at Paula Villanueva ng Viga, 4th Runner naman ay sina Kristian Taupa ng Virac at Charisse Mae De Mesa ng Bato.

Advertisement