PANDAN, CATANDUANES – Nagtangkang magpakamatay habang nasa loob ng selda ng Pandan Municipal Police Station ang arestadong No.1 most wanted ng lalawigan ng Catanduanes noong nakaraang linggo.

Sa ulat ng pulisya, lampas tanghali noong January 3, 2020 nang maaresto ang suspek na si Pedro Santelices sa barangay ng Cormidal sa lungsod ng tabaco. Siya ay isang parahagot mula sa barangay ng Libod sa Pandan at may standing warrants of arrest para sa siyam (9) na kaso ng rape at mga iba pang kaso ng paglabag sa RA 7610 or Child Abuse.

Mula sa tabaco, ibinyahe si Santelices pabalik ng Pandan. Ngunit dakong ikasampu ng umaga noong January 4, 2020, habang nasa loob ng selda, sinubukan umanong kitilin ng suspek ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigkis sa sariling leeg ng mga retaso ng tela gayundin packaging tape.

Nangingitim na umano ang buong mukha ng suspek nang matuklasan ang pagtatangka nito para sa suicide. Isa umanong policewoman ang nagbigay ng CPR sa lalaki kung saan ito ay nahimasmasan saka isinugod sa Pandan District Hospital. Nang magkamalay, nagwawala si Santelices kaya paulit-ulit itong tinuturukan ng pampakalma.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.