Caramoran, Catanduanes – Patay ang 35-anyos na lalaki matapos atakihin sa puso bago nahulog

sa bangin.

            Ang biktima ay kinilalang si Albert Aguilar y Trinidad, abaca stripper, binata at residente ng barangay Sabangan, Caramoran, Catanduanes.

            Kwento ng kasama ng biktima, nanghuhuli sila ng dagang bukid sa Sitio Maarom noong Biyernes (Marso 27)  nang aksidenteng madulas ang biktima at mahulog sa mabatong bahagi ng talon (falls). Dahil dito, nabagok umano ang ulo ng biktima na siyang naging dahilan ng pagkamatay.

            Samantala, base sa naging assessment ng sumuring doktor sa biktima, maaaring inatake umano ito sa puso bago nahulog dahil sa makapal na bula ang lumabas sa bibig ng biktima at namaga rin umano ang malaking ugat sa leeg nito.

            Pagdadalamhati naman ang nararamdaman ng mga kaanak sa masaklap na pangyayari. (PATRICK YUTAN)

Advertisement