Bicol Peryodiko

20M tinangay ng mga armado mula sa bahay ng isang congressional candidate sa Catanduanes

Bato, Catanduanes – Humigit kumulang 20 milyong piso ang halagang natangay ng mga armadong kalalakihan sa bahay ni Congressional candidate Eulogio β€œLeo” Rodriguez dakong alas 8 ng gabi, Mayo 3, 2022.

Ayon sa reliable source ng Bicol Peryodiko, pwersahang pumasok sa bahay ang humigit kumulang walong (8) nakabonet na mga kalalakihan na armado ng mga high powered fire arms sa pamamagitan ng pagmaso sa mga pintuan. Matapos makapasok sa bahay ginapos ng mga suspek ang apat (4) na mga tauhan kasunod ng paghaloghog sa mga kwarto.

Minaso rin ang doornob ng isang kwarto sa 2nd floor kung saan nakatago ang mga pera. Maswerte namang nakaligtas ang maybahay ni Rodriguez matapos makatago kaagad sa 2nd floor ng bahay bago pa makapasok ang mga salarin. Napag-alamang nagwarning shot pa umano ang mga suspek bago makapasok sa bahay.

Kaagad nakatakas ang mga salarin matapos ang insidente sakay ng dalawang van. Naiwan ng mga suspek sa bahay ang mga sako. Ang mga cctv umano sa bahay ay hindi gumagana matapos masira ng bagyong Rolly. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente ng Bato MPS. Abangan ang kabuuang detalye sa Bicol Peryodikotv page at Radyo Peryodiko 87.9 @6:30am. (BP newsteam)

Exit mobile version