Virac, Catandaunes – Nagdiriwang ngayong araw, Agosto 5 ng kanyang ika pitumput limang (75th) na kaarawan si Bishop Manolo Delos Santos ng Diocese of Virac.

Sa Panayam ng Radyo Peryodiko kay Rev. Fr. Felbert Reyes, media affairs ng Diocese of Virac, ang pagdiriwang ay isang makahulugang okasyon dahil ito rin ay tinaguriang “Diamond Celebration Anniversary” kung saan ito rin ang kanyang pagreretiro bilang Obispo ng Diocese of Virac.

Sa araw ng pagdiriwang ay magkaroon ng Thanksgiving mass oEucharistic Celebration na gaganapin sa Immaculate Conception Cathedral dakong alas 3:30 ng hapon na dadaluhan ng mga pare sa mula ibat ibang munisipyo sa lalawigan, maging mga bisita mula sa iba pang lugar sa bansa. Kasama rito ang mga kapamilya, maging mga nakasama sa pagiging obispo at pari sa ibang bahagi ng Bicol at sa bansa.

Susundan ang Misa ng opisyal na pagbubukas ng mga inihandang programa na gaganapin sa Capitol Convention Center, provincial Capitol Compound at bukas umano ito sa mga nais dumalo sa nasabing okasyon.

Mapapakinggan din sa Radyo Peryodiko dakong alas 3:30 ng hapon ang nasabing misa.

Matatandang naitalaga bilang Obispo si Bishop Delos Santos taong 1993 bilang kahalili ni Bishop Jose Soraa,  kung saan halos tatlong dekada o 29 years nagsilbi sa  Diocese of Virac.

Hindi matatawarang ang kabutihan naiambag ng obispo sa pagpalaganap ng mabuting balita ng panginoon, kung saan kanyang naipundar ang maraming mga Parokya at mission chirches sa buong lalawigan.

Maliban sa mga naitatag na parokya, siya rin ang naging daan para mapaganda at mapalaki ang Virac Cathedral na halos tapos na ang estraktura na isa na sa masasabing magandang simbahan sa Bicol Region.

Samantala, inalala naman ng karamihan mga kaparian ang kabutihan at kababaang loob at pagiging mabait ng Obispo na isa sa hindi makakalimutan ng mga ito. (Richmon Timuat)

Advertisement