Bicol Peryodiko

DPWH sa Catanduanes, may bagong District Engineer

Virac, Catanduanes – Si District Engineer Ferdinand R. Joven mula sa Camarines Sur ang hahalili kay outgoing District Engineer Gil Augustus Balmadrid bilang bagong pinuno ng Department of Public Works and Highways(DPWH) sa Catanduanes.

            Sa Regional Staff meeting na gaganapin sa Twin Rock Beach Resort ngayong Martes, Agosto 9, isasagawa ang pagsasalin ng pwesto sa pagitan ng dalawang opisyal na pangungunahan ni Regional Director Virgilio Eduarte at OIC Assistant Regional Director Lacuna.

            Si Engineer Balmadrid ang humalili kay dating District Engineer Odiaman matapos itong malipat sa ibang assignment.

Mananatili sa regional office si Balmadrid habang wala pang order sa kanyang magiging bagong assignment. Mananatili sa regional office si Balmadrid habang wala pang order sa kanyang magiging bagong assignment. (FB)

Ang reassignment ay batay sa  special order no. 154 series of 2022 ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, kung saan epektibo noong Agosto 4, 2022 ang reassignment ni Joven sa Catanduanes District Engineering Office.(FB)

Exit mobile version