Bawal maglaro ng Apoy

FB-EYE
Typography

Kasabay ng init ng panahon, nauulinigan ko na maraming mag-iinit ngayong summer. Simula nitong Marso nang ideklara ng Bureau of Fire protection na “fire prevention month” , tila marami tayong nababalitaang mga rape at acts of lasciviousness cases..hikhikhik! Marami palang naglalaro ng apoy..hikhikhik! Dahan-dahan mga tsong baka mapaso kayo..hikhikhik!

Sadyang mainit nga naman ang panahon at inhit ang ilang mahilig sa laman, hindi lamang laman ng tao, kundi laman ng bahay..hikhikhik! Marami ding naitalang nakawan, kahit nakulimbat ang maraming kagamitan ang pera..hiikhikhik! Sa mga malimit mabiktima ng mga kawatan at mga mahilig sa laman, doble ingat sa lahat na time..hikhikhik!

**********

Naligo daw kaagad ang dating gobernador nang dumalo sa inagurasyon ng Calixta 6 si gobernador Cely Wong noong isang lingo?..hikhikhik! Eh bakit naman, kung kelan nakita si Manay Cely tila nag-alimpuyo ang pakiramdam ni Gob Boboy? Hikhikhik!

Meron pa kayang hang-over sa eleksyon? Hindi naman siguro gate crasher si manay Cely?..hikhikhik! Kung sabagay, papalapit na ang halalan, maraming anggulong posibleng mangyari sa 2016. Malay mo muling magkapareho sina Wong at boboy..hikhikhik! In politics, nothing is impossible, ang sabi sa ingles ng may-ari ng Tang Inasal sa San vicente..hikhikhik!

Pero, ayon sa isang political strategist, Malaki ang posibilidad na ituloy muli nina kongresman Sarmiento at Gob Boboy ang kanilang tandem sa susunod na halalan. Ayon sa ating bubuwit, Malaki rin umano ang utang na loob ni Boboy kay Cesar dahil sa mga proyektong ibinigay mula sa kanyang pdaf at dap. Sakali man umanong hindi na magkabalikan, posibleng malalim ang sugat ni Boboy matapos siyang talunin samantalang panalo si Cesar..hikhikhik! Kung sabagay, walang kawala naman ang panalo ni CS dahil, wala naman talagang kalaban. Si dating gobernador Verceles, umatras sa huling sandali bago ang halalan at si dating alkalde De quiros, kumirot umano ang kanyang sakit sa bato, kaya’t nag-evaporate nalang bigla. Buti nga hindi sumakit ang pusong bato..hikhikhik!

***********

Totoo bang nais paring kumandidato ni dating alkalde de Quiros sa 2016 bilang mayor ulit ng Pandan? Ayon kasi sa ilang empleyado ng Pandan, tila hindi naman nagkalayo sa pagiging busy sa maynila ng dalawang alkalde. Ang bentahe umano ni De quiros dahil merong itong legacy matapos maipatayo ang magandang municipal building.

Noong nasa pwesto pa si mayor De quiros, ginagawa lamang umanong pahingahan ng konting sandali ang kanyang tanggapan, tapos sibat na naman ito sa maynilang kayganda, kaya’t copycut umano ito ngayon ng kasalukuyang alkalde.

Baka merong sili sa upuan, dahil hindi nalilinisan ng utility?hikhikhik! Ang alibi lamang umano ng mga ito, busy sila sa paghanap ng mga proyekto sa Maynilang kayganda..hikhikhik! Kung sabagay, mas mabuti na ang ganitong mga alkalde, kaysa, sa isang alkalde sa norte na tila hirap na pinagkakasya lamang ang katiting na IRA budget dahil, ayaw umabala ng ibang ahensya..hikhikhik! Ang sabi, lagi umano siyang nagpapadala ng mga proposals,, pero ala namang resulta..hikihikhik!

Wala sigurong amor ito sa mga matataas na opisyal..hikhikhik! Di mo ba alam na ang mga national government maging ang malakanyang ay may mga proyekto para sa mga munisipyo hanggang sa mga barangay? Baka nagmamagaling lamang ang alkalde ito, pero puro hangin naman ang utak..hikhikhik! Itong alkaldeng ito, tila hindi mabubuhay kung walang IRA.

Noong baguhan ito, akala mo hindi makabali ng kamote, subalit noong ikalawang termino walang kalaban, kaya’t malaki ang tiwalang wala siyang katalo sa 2016..hikhikhik! Nirereklamo ng kanyang mga botante dahil hindi umano nirenew ang kanilang health card..hikhikhiki! Tingnan natin kung hindi ka abutin ng “malasterm” ayor..hikhikhik!