CamSur-Catanduanes Cooperation

AB Erito
Typography

Maganda ang ipinakitang suporta ng mga opisyal ng probinsiya para sa mga atletang kabilang sa delegasyon ng probinsiya sa isinagawang Palarong Bicol 2015 sa Pili, Camarines Sur. Magkakasama sa pagpapakita ng suporta sina Congressman Cesar V. Sarmiento, Governor Cely Wong at Vice-Governor Jose Bong Teves Jr., na dinaluhan ni PBM Arnel Turado sa opening ng palaro.

 

Dahil nakababad ng husto ang mga opisyal ng lalawigan sa seremonya ng opening ng palaro, mapagkakamalan pa ngang ang lalawigan pa rin ang host ng palaro ngayong taon. Naging paborable din ang lugar kung saan inilagay ang delegasyon ng lalawigan dahil halos walking distance lamang ito sa pinagdadausan ng palaro.

Sana lang magbigay ito ng ibayong inspirasyon para sa ating mga manlalaro at pagsumikapan nila na magkamit ng tagumpay sa nasabing torneo

*****
Maganda rin ang ipinakitang pagtutulungan sa pagitan ng Camarines Sur at ng Catanduanes sa pagbisita ng Sangguniang Panlalawigan ng una ang SP sa lalawigan upang mapag-usapan ang maaaring mangyaring kooperasyon ng dalawang probinsya upang matulungan ang bawat isa.

Kabilang sa mga inaasahang matatalakay sa pinawang pagpupulong ng mga S pang kaugnay sa binabalak na pagasasakatuparan ng Frienship Bridge at ang pagpapalakas ng pagtutulungan sa programang turismo sa pagitan ng dalawang lalawigan.

MAgandang simulain ito mga kaperyodiko para maging kapakipakinabang ang mga iniisip na proyekto sa ating lalawigan.

*****
Marami ang nanghihinayang sa pagbibitiw sa puwesto ng PIO ng probinsiya na si Dr. Magno Conag. Sabi ng mga tagapagmasid sa kapitolyo maituturing na asset ng administrasyon Wong ang pagkakahirang ni Conag dahil sa malalim na karanasan nito bilang dating president ng kolehiyo ditto sa bikol.

Sa kabila ng mga usap-usapan sa apat na sulok ng kapitolyo na pulitika ang sanhi ng pagbibitiw ng opisyal, wala naman umano itong nabanggit na dahilan maliban sa hinihingi na umano ng mga kapamilya nito ang pamamalagi ng opisyal sa kanilang tahanan upang pagtuunan na ang simpleng pamumuhay kasama ng pamilya.

Ano’t-anuman ang naging dahilan ng pagbibitiw sa puwesto maaaring may katugunan na rin siguro ang gobernadora kaugnay ng isyu lalo na’t tinaggap naman daw ng gobrnadora ang inihaing resignation ng opisyal. Abangan na lang nating mga kaperyodiko kung sino ang hahalili sa puwesto bilang PIO. For better or for worse?

*****
Nagulat ang marami ng magsagawa ng sorpresang checkpoint ang kapulisan dahil sa napapadalas na aksidente sa kalsada. Halata mga kaperyodiko na marami sa mga motorist ang kolurom dahil napapatigil ang mga ito sa gilid ng kalsada sa tuwing mayroong checkpoint silang nakikita.

Lalong nagulat ang marami nating mga kaperyodikong motorista ng tumagal ang checkpoint ng hanggang hatinggabi, taliwas na nakaugalian nanglimit na hanggang 5:00 ng hapon lamang o office hours.

Dahil sa pangyayari napilitan ang ibang dumaan na lamang sa gilid ng dagat upang makauwi sa kani-kanilang lugar at maiwasang magutom sa kahihintay. Kung ganito lagi ang gagawin ng mga otoridad hindi nalalayong sumunod sa batas trapiko ang karamihan sa mga motorist kaysa makipagtaguan sa mga otoridad ng pamahalaan. Kung hindi naman tutugon ang mga kolurom na motorista tiyak na luluwag ang trapiko sa mga kalsada ang maiiwasan ang posibleng aksidente sanhi ng siksikan sa trapiko.

*****
Nakakairitang pakinggan ang mga naging pahayag ng board of directors ng FICELCO sa isinagawang pagdinig ng SP kaugnay ng problema sa kuryente. Hindi katanggap-tanggap na basta na lamang isasakatuwiran ng BOD na hindi nila maaaring balewalain ang mga kontratang pinasok nila kahit pa nalalamangan ang interes ng mga consumers, karamihan sa mga ito mga miyembro ng kooperatiba.

Kung meron mang makakaayos ng problemang ito ng FICELCO walang iba kundi sila rin dahil sila an gang gumawa at pumasok sa kontrata. Hindi katanggap-tanggap na sa tinagal-tagal na nilang nakaupo at dumadalo sa meeting ng BOD “pinag-aaralan” pa rin nila ang mga nilalaman ng mga kontrata.

Hindi maiaalis na magduda ng mga power consumers dahil mayroon na naman silang mga pinapasok na kontratang kinkikitaan ng usok. Kapag may usok tiyak yan na may sinusunog este nasusunog pala. Paalala lang po sa magigiting na miyembro ng Hunta Direktiba masama pong maglaro ng apoy lalo na’t gawa sa light materials ang bahay kung saan ginaganap ninyo ang paglalaro. Paalala lang po, hindi tinatanggap sa langit ang mga naglalaro ng apoy. Dun kayo sa ibaba!

*****
My quote for this issue: “To know that you know, and to know that you don't know - that is real wisdom." - Confucious

Tria