Internet Teleserye (INTEL)

AB Erito
Typography

Isa sa mga paboritong puntahan ng mga mayroong hinaing sa buhay sa kasalukuyan mga kaperyodiko ang Facebook. Sa Facebook makikita mo ang samut-saring pagpapahayag na kapupulutan mo minsan ng mahahalagang impormasyon.

Subalit mayroon namang mga naglalarawan ng mga ginagawa ng mga payasong animo’y teleserye at pumapatok naman sa mga tagasunod nila.

Ito ag kadalasang may hinaing na ipinararating sa aming nasa media na nabibiktima ng mga umano’y kritikong ito sa Facebook. Daing ng mga nabibiktima, niyuyurakan umano sila ng walang kalaban-laban dahil karaniwang nakatago lamang sa mga inimbentong pangalan ang mga magagaling na kritikong nagpapasikat ngayon sa Facebook. May mga humihingi na ng tulong na mailantad ang tunay na pagkatao ng mga ito para maireklamo naman sila sa tamang porum.

Kinakailangan din sigurong makialam na rin ng kapulisan sa bagay na ito lalo pa’t ilan sa mga napapag-usapan sa Facebook ang may kaugnayan sa mga operasyon ng pulis. Panawagan kay PD, baka naman nakikisakay na rin sa Facebook ang ilan ninyong opisyal at pati kayo nagagamit na rin sa mga aktibidad nila.
Pakimanmanan lang po PD!

*****

Napigilan mga kaperyodiko ang tangkang pakikialam ng NEA sa pamamalakad ng FICELCO sa pamamagitan ng pagtatalaga ng independent board sa BOD ng kooperatiba ng kuryente.

Ito ang ibinunyag sa akin mismo ni Genral Manager Engr. Samuel V. Laynes ng makapanayam ko ito noong nakaraang linggo. Mismong si Laynes ay nagpahayag ng pagkabahala na dalawin umano ito ni Director Mila Quinahon ng Institutional Development Peratment ng NEA at sabihan persona itong sabihan nh opisyal ng balak na pagtatalaga ng opisina nila ng magiging miyembro ng board.

Nabahala maging ang mga opisyal ng Bicol Electric Cooperative Association (BECA) kung kaya’t maging ang mga ito ay dumulog sa NEA upang linawin ang isyu. Sumunod din sa nagpakita ng pagkabahala ang Philippine Rural Electric Cooperative Association (PhilRECA).

Nawala lamang umano ang pagkabahala ng GM ng FICELCO ng tawagan ito ng BECA at sinabihan itong nagpasya na ang NEA na hindi na nito itutuloy ang balakin. Sumunod umanong tumawag sa GM ang PhilRECA at nagpahayag din ng kaparehas na balita.

Ayon kay Laynes, napawi lamang ng tuluyan ang pagkabahala nito ng mismong si NEA Administrator Edita Bueno na ang nagbigay sa kaniya ng pagsisiguro.

*****
Umuugong ngayon sa kapitolyo ang posibilidad ng pagkakasuspinde ng gobernadora kaugnay ng kontrobersiya sa rescue truck. May mga ugong-ugong kasi na may mga sumasakay na sa isyu na naglalayong matanggal sa puwesto ang gobernadora sa panahon ng pagsisimula ng panahon ng eleksyon.

Ayon sa kuwento, nakikisawsaw na rin sa isyu ang isang dating malapit sa gobernador at ngayo’y naiitsapuwera na kung kaya’t natatanim na ng sama ng loob sa opisyal. May mga nagsasabi pa nga na maaaring mangyari daw sa goberndora ang nangyari sa nakaraang gobernador.

Kung magkagayon pala mukhang maaaring magkatotoo ang kasabihang “History repeat World War 2”. Kung ganito ang mangyayari mga kaperyodiko tuloy ang ligaya at magiging masayang muli ang paruparong ito.

May posibilidad na muling mamayagpag ang mga katagang “Kandirit Virac, Kandirit Quarry, Kandirit Lotteng, atbp.” Matapos ang susunod na eleksyon.

*****
Ngayong panahon ng enrolment ng mga mag-aaral inaasahan na muling magiging problema ng mga magulang ang mga bayarin sa eskwela katulad ng tuition fee, miscellaneous fee atbp.

Kahit na nga may kautusan na ang pamahalaan na ipagbawal ang paniningil lalo na sa mga hindi naman nararapat subalit may mga nagpapalusot pa rin at naisusulong sa mga kawawang mga magulang ang mga paniningil na hindi naman dapat.

Sa kolehiyo mga kaperyodiko may mga nagpaparating na ng mga hindi maipaliwanag na mga singilin at ginigipit pa diumano ang ilang estudyante kung hindi ito tatalima sa gusto nilang singilin.

Ang masasabi ko lamang sa mga may mga gumagawa ng ganito, ingat lamang po at marami na ang mulat at nagmamasid sa mga panahong ito. Wala nap o tayo sa panahong tikom ang bibig ng mamamayan at naghihintay na lamang sa maaaring dumaang milagro sa kanilang buhay.