Sa ngayong merong kontrobersiya an gang 29 kilometers na circumferential project, posibleng walang magkukuhamog na sila ang naging daan upang maipatupad ang proyekto, subalit kung walang nangyaring duda, posibleng nagpapaagawan sila bilang instrument ng proyekto..hikhikhik

Sana hindi totoo ang alegasyon dahil sakaling magkaroon ng positive findings, posibleng merong masasagasaan sa susunod na halalan..hikhikhik!

Anyway, let's wait sa imbestigasyon ng COA at DPWH region 5 kung ano ang magiging kalalabasan at sanay mabigyan din ng tamang proseso ang mga akusado. Kung magkaganun ang magiging kawawa dito si DE Odiaman dahil siya ang frontliner ng proyekto at siguradong siya ang magiging sacrificial lamb kung hindi niya ikakanta ang mga nakinabang..hikhikhik!

************

Marami ang narerendi sa sitwasyon n FICELCO at tila nagkukumahog sa pagpapaliwanag ang manihamiento. Sa kabila ng kanilang paliwanag, di parin makumbinsi ang publiko dahil tanging hiling lang naman nila "maliwanag ang buhay"..hikhikhik!

69 KB ang kailangan ng FICECO upang maresulba ang problema. Kung ito ang kailangan, bakit hindi gawin ng FICELCO management? Kahit ano kasing paliwanag, hindi papakinggan ng taong baan kung laging brownout kahit walang masamang panahon.

Bigyan din natin ng pagkakataon ang FICELCO upang maresulba ang problema sapagkat "tao lamang sila"...hikhikhik! Kung makina ang problema, sapagkat "makina lang sila"..hikhikhik!

***********

Merong plano umano si governor Joey Salceda na kumandidato bilang senador, kaya lang hindi pa tiyak kung ngayong 2013 o 2016.

Kung sabagay, very qualified kung hindi man overqualified ang gobernador dahil sa pagiging matalino nito at pwede ngang presidente. Kaya nga lamang nagdadalawang isip ang gobernador kung saan partido siya tatakbo? Ayon sa impormasyon tila nababagalan ang gobernador sa mga proyektong nakabinbin ang pondo dahil sa mabagal na pagpalabas nag pondo ng Aquino administration.

Marami ang sumusuporta sa balak na ito ng gobernador dahil basta bikolano oragon. Basta pride ng bikolano nandiyan sila kahit sa huling patak ng kanilang dugo..hikhikhik!

**********

Meron palang isinasagawang imbestigasyon ang Commission on Human Rights sa nangyaring pamamaslang sa isang civilian sa Milaviga, Caramoran. Sana tulungan ng CHR sa pagsampa ng kaso ang mga naiwanang pamilya laban sa kagawad ng militar dahil tila merong pang gustong pag-opurtunisa at mag money-making sa naturang kaso.

********

Bad news, talo pala si Jay Solmiano sa kanyang laban sa Japan nitong nakaraang linggo. Ayon kay Kagawad Jonathan Joson, ito ang unang pagkatalo ng Calolbon boxer at masasabing impressive naman ang ipinakita, subalit hindi naging sapat ito upang mapanalunan ang laban. Sabi ng mga tagahanga ni Solmiano, better luck next time.. ganun talaga ang laro, merong talo at panalo.

Meron na namang laban si Abe Concepcion ng Viga sa California. Siya ang isa sa mga protégée ni Manny Pacquiao, subalit tila nitong mga nakalipas na laban, laging talo. Sana mapagwagian niya ang labang ito para sa bakanteng titulo. Go go go Abe!


Newer news items:
Older news items:

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal