Tila namumuro na tayo sa ilang  dayuhan na pumupunta sa Catanduanes dahil sa sunod-sunod na pagkakawala ng ilang kagamitan kahit ito ay naka safety sa kanilang sasakyan.

Ang pinakahuling insidente ay ang isinagawa umanong Regional Encampment noong isang linggo diyan sa Bato, Catanduanes,  meron na namang mga nawalang laptop at iba pang mga kagamitan.

Anyway, pwede rin nating sisihin ang mga may-ari ng kagamitan dahil, dapat laging pasiguro tayo kahit saanglugar. Hindi lang naman sa Catanduanes pwedeng mangyari iyon. Walang magnanakaw kung walang mananakaw. Walang mandurukot kung walang madudukot.

Pero, kailangan ding concern lagi ang mga kinauukulan, partikular ang mga organizers maging mga may-ari ng restaurant dahil, safety at security should always on top of your concerns.

*************

Hanggang ngayon, hindi pa rin maresolba ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang kawalan ng gamot sa EBMC maging sa ilang district hospital ng Catanduanes. Tila pagong kagabal ang ginagawang pagkikibit balikat ng EBMC sa usaping health para  ating mga kababayan.

Gaano nga ba katotoo, na kung kaya;t hindi ginagawang lagyan ng gamot sa mga government hospital dahil merong mga referral percentage ang ilan sa ating mga kaibigang doctors sa labas ng pharmacy? Pwer a delos Ubos..hikhikhik! Sana naman tamaan ng kidlat ang mga gumagawa nito.

Mantakin mong, dapat sana dahil merong PhilHealth, wala ng sakit ng ulo ang mga pumapasok na pasyente, subalit kabaliktaran sa ating inaasahan. Nasaan na nga ba ang ipinangako ni Gov Cua na “One Time Bidding” para isahan na lamang ang magsusuplay ng gamot sa naturang ospital? Hanggang kailan tayo maghihintay? Sabi ng mga pasyente, maganda na sana ang kulay ng ospital, subalit palpak pa rin ang serbisyo.

Bakit nga kumukita ang mga pharmacy sa labas na dapat sana ang EBMC na ang kumikita? Sino kaya ang mga kumikita? Hindi naman halata mga kaperyodilko! KITA KITA ANG KITA! Aminin!

KITA KITZ KAPERYODIKO!

****************** 

 


Newer news items:
Older news items:

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal