Viga, Catanduanes - Kuwinestiyon ni Mayor Abelardo M. Abundo, Sr. ang writ of executionna ipinalabas ng RTC Branch 43 kabilang na ang deklarasyon na ineligible ito sa sa kanyang katungkulan bilang alkalde sa kabila ng ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema.

Nitong ika-3 ng Hulyo nagpalabas ng TRO ang kataas-taasang hukuman kung saan pinaburan nito ang petition ng alkalde na nagsasaad ng mga sumusunod; (a)" Grant the most extremely urgent manifestation with sixth (6th ) reiterative motion to resolve the application for immediate issuance of an injunctive writ due to supervening event dated June 22,2012 filed by counsel for petitioner; and (b) issue a Temporary Restraining Order, effective immediately and continuing until further order from this court, enjoining the Commission on Election from implementing the challenge resolution dated February 8,2012 and May 10,2012.

Matatandaang, bago paman makarating sa RTC Branch 43 ang TRO, pinasumpa na ni Presiding Judge Lelu P. Contreras si Vice Mayor Emeterio "Bong"Tarin bilang successor, alinsunod sa isinasaad sa Section 44 ng Local Government Code of 1991 (LGC) .

Anim(6) na araw bago ang talaan ng pagdinig wala man lang isa sa mga respondents maging at petitioner ang nagpaabot ng komento. Nitong Hulyo 29, 2012 lamang nakapagpadala ng komento ang counsel ni Mayor Abundo, samantalang natanggap lamang ng branch 43 noong Hulyo 2,2012 alas 9:20 ng umaga. Nakapaloob ang hiling ng alkalde para sa "instant motion for execution be denied for lack of merit".

Ayon kay Mayor Abundo, bagamat hindi pa niya opisyal na natanggap ang kautusan para sa motion for execution mula sa korte, kaagad siyang umapela sa korte suprema noong Hulyo 2 para pigilan ang execution ng nasabing korte.

Matapos ang masusing pag-aaral ni Presiding Judge Contreras, hindi nito kinatigan ang petition ng alkalde kung kaya't kaagad inatasan ang Sheriff IV na dalhin ang desisyon kay Abundo upang ipatupad ito.

Nakapaloob sa writ of execution ng korte na natanggap na ang order ng motion for execution sa pamamagitan ng abugado ni Mayor Abundo noong Ika-22 ng Hunyo 2012 na nakabase sa Manila.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakaupo na bilang alkalde si bise alkalde Tarin. Ayon kay Judge Contreras, hindi siya pwedeng umaksyon sa TRO na nakuha sa korte suprema ni Abundo, maliban na lamang kung personal na iabot ito sa kanya ng kinatawan ng COMELEC central office.

Samantala, paniwala naman ng alkalde igagalang ni Vice Mayor Tarin ang TRO bagamat nakapagsumpa na ito lalo pa't pareho silang magkasama sa Partidong LAKAS. Buo ang paniniwala ni Mayor Abundo na may malaking politiko umanong nasa likod ng nasabing pagpapatalsik sa kanya, dahil kung ang petitioner lamang umano na si Ernesto Vega ,wala itong kakayanan na gumastos ng malaking halaga.

Si Vega ay kilalang tauhan ni Governor Joseph Cua at kasalukuyang casual sa office of the governor. Mensahe pa ng alkalde sa kanyang mga kalaban hintayin na lang umano ang 2013 election at tingnan kung sino ang gusto ng tao.

Samantala, pinabulaanan naman ni Vice Mayor Tarin na may kinalaman siya at sumusuporta siya financially sa petitioner na si Vega. Si Abundo ay isinailalim sa petition dahil sa issue ng three-term limit. (Marlon Suplig)

 

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal