|
07 August 2012
Virac, Catanduanes - Inalmahan ng ilang tricycle drivers ang pagpapatupad ng municipal Ordinance 96-008 (proper uniform for public utility tricycle drivers).
Nakapaloob sa ordinansa kung ano ang dapat na isuot ng mga drivers sa oras ng kanilang pamamasada.
Dapat nakasuot ng pantalon, proper t-shirt at sapatos. Ang sinumang ayaw sumunod at mahuli ay pagmumultahin; first offense Reprimand, second offence 100.00 pesos third offence 500.00 pesos.
Maging sa anti-smoking in public conveyance o paninigarilyo sa loob ng tricycle ay may kaukulang multa. Ang hindi pagsunod sa re-routing scheme at ang maling pagparada sa tamang lugar ay meron ding multa.
Nanawagan ang isang tricycle driver na si Larry Malbarosa na bigyan naman sana ng konsiderasyon ang short pants basta naka sapatos naman dahil masyado umanong mainit ang pantalon.
Samantala, ayon naman sa isang driver na ayaw ng magpabangit ng kanyang pangalan, maganda umano ang nasabing ordinansa subalit ang mahirap ay may palakasan pa rin. Marami pa rin umanong kolurom na bumibiyahe at hindi kayang supilin ng mga traffic enforcers.
Maging sa Virac Public Market marami pa ring naka parada ng wala sa tamang lugar na hindi naman sinisita ng mga traffic enforcers.
Batay sa ilang driver, may lagayan system pa rin umano kaya't hindi nasusugpo ang mga kolurom at ang illegal na pagparada ng mga tricycle lalo na umano sa mga bumibiyahe patungong San Andres.(MS)
- 07/08/2012 22:25 - Vice Gov. Teves, hindi pa tiyak kung ano ang target sa darating na eleksyon
- 07/08/2012 22:25 - Succesor ni Mayor Abundo, lilipat na sa Liberal Party
- 07/08/2012 22:24 - CSC conversion, lusot na sa senado
- 07/08/2012 22:24 - 75 anyos na lola, muntikang mabiktima ng holdaper
- 07/08/2012 22:23 - Moonwalk pinag-aaralang maging isang barangay
- 07/08/2012 22:22 - Substandard na helmet, huhulihin na ng DTI
- 07/08/2012 22:22 - TESDA planong sampahan ng kaso ang isang opisyal ng PNP
- 07/08/2012 22:21 - Hot lumber, kinumpiska ng PNP
- 24/07/2012 06:43 - Writ of execution ng korte, kwinestyon ng Alkalde dahil sa TRO
- 24/07/2012 06:43 - 12 COMELEC personnels, augmentation ARMM general registration



















