|
07 August 2012
Virac, Catanduanes - Tahimik muna si Vice Governor Jose "Bong" Teves sa kanyang posisyon hinggil sa posibleng pagtakbo sa 2013 election.
Ayon kay Teves, pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang paglilingkod sa Catanduanes lalo pa't malayo pa umano ang election.
Magkaganunpaman, sinabi nito na sakaling tatakbo man umano siya, susundin niya lang ang pulso ng taong bayan. "Kung sain ako makatabang duman ako mapwesto"
Binigyang diin nito, na bukas din umano siya sa posisyon bilang Governador o Congressman. Basta ang malinaw umano sa kanya ngayon ay may anim na alkade, mga Vice Mayor at mga konsehal na kaalyansa sa partido LAKAS-CMD na pinamumunuan ni Senador Bong Revella.
Nagpasalamat din si Teves sa mga organisayon at individual na nagtutulak sa kanyang tumakbo sa mataas na posisyon.
Ayon pa kay Teves pagpapakita umano ito na sila ay nanininwala sa kanyang kakayanan. Nitong nakaraang linggo agaw pansin ang isang streamer na may nakasulat "RUN...BONG...RUN".
Napag- alaman din ng pahayagang ito na isang grupo ng tricyle association sa bayan ng Virac ang nagpulong upang suportahan si Teves. Maging ilang negosyante sa Virac na ayaw munang magpabanggit ng kanilang pangalan ay si Teves din ang minamanok sa isa sa mataas na posisyon.
- 07/08/2012 22:32 - Mahigit 3,000.00 board feet narra lumber,kinumpiska
- 07/08/2012 22:32 - 91st foundation ng Panganiban, dagsa ng mga balikbayan
- 07/08/2012 22:30 - DENR all out war vs. illegal logging
- 07/08/2012 22:26 - Ekipahe ng ERR construction, kinumpiska ng alkalde
- 07/08/2012 22:25 - Mayor Abundo bumaba na sa pwesto
- 07/08/2012 22:25 - Succesor ni Mayor Abundo, lilipat na sa Liberal Party
- 07/08/2012 22:24 - CSC conversion, lusot na sa senado
- 07/08/2012 22:24 - 75 anyos na lola, muntikang mabiktima ng holdaper
- 07/08/2012 22:23 - Moonwalk pinag-aaralang maging isang barangay
- 07/08/2012 22:23 - Implementasyon ng dress code sa mga tricycle drivers inalmahan



















