Caramoran, Catanduanes - Nasapul ng pinagsamang pwersa ng PNP Caramoran at DENR ang hot lumber na umanoy nasa abandonadong lupa na pagmamay-ari ni Punong Barangay Zaldy Idanan noong ika- 7 ng Hulyo sa Barangay Supang sitio Sogod.

Umabot sa kabuuang 3,151.81 bd ft ang nakumpiska batay sa pahayag ni PENRO Joaquin Guerero. May nakaabot umano sa kanilang report na may mga namataang tambak na nilagaring kahoy sa naturang lugar, kung kaya't agad umaksyon ang kanilang tanggapan.

Nang magpositibo umano ito agad inalerto ang Caramoran PNP para sa gagawing operasyon. Nang maabot nila ang lugar sa pamumuno ni Forest Ranger Sofio Cabrera Jr. may namataan pa umano silang isang sasakyang pandagat na galing sa lugar kung saan pinaghihinalaang ito ang humahakot ng narra lumber.

Ang natagpuang mga kahoy ay nakatambak sa lupa na pag-aari ni Punong Barangay Zaldy Idanan. Sinikap sana umano nilang kausapin ang Punong Barangay subalit wala umano ito doon.

Maging ang mga barangay kagawad ayaw ding makipag-usap sa kanila. Nitong ika-23 ng Hulyo pinatawag ng DENR ang mga barangay officials para sa unang hearing subalit walang isa na sumipot.

Ayon pa kay PENRO Guerero magsasagawa ulit sila ng pangalawang hearing, sakaling hindi pa ito sumipot gagawa na sila ng legal action laban sa mga ito. Panawagan ni Guerero sa lahat na tulungan silang masugpo ang ang mga illegal na akitibidad sa kabundukan, lalo na ang cutting of trees, kaingin at pag-uuling.

Maging ang mga may-ari ang mga pangpublikong sasakyan ay sinulatan na rin umano nila para huwag magkarga ng anumang ipinagbabawal ng DENR. (MS)

Vintage bomb natagpuan sa isanga barangay

San andres, Catanduanes - Isang vintage bomb hand grenade na MK-DASH 2 ang nakuha ng isang mangingisda sa tabing dagat noong ika-22 ng Hulyo sa Barangay Palawig.

Sa blotter report ng San Andres MPS nadiskubre ang nasabing hand grenade habang itinatabi ng mangingisda ang kanyang bangka ng makita itong nasa tabing dagat.

Balot na umano ito ng kalawanging at lumot. Agad namang kinumpuni ng bomp expert na si PSI Wilfredo Lastrellia ang bomba upang hindi na sumabog.

Aniya kahit wala na itong pin luck maari pa umano itong sumabog. Ito na umanong pangatlo na natagpuang hand grenade simula ng ma-assign siya sa Catanduanes. Agad namang dinala sa Police Provincial Command ang nasabing bomba. (MS)

 

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal