|
07 August 2012
Virac, Catanduanes – Binigyang 9.5 ng bise gobernador ang ginawang SONA ni Pnoy kaugnay sa mga nagawa nito sa nakalipas na isang taon at ang mga inilatag na gagawin pa ngayong taon.
Ayon kay Bise Gobernador Jose "Bong" Teves, patok sa panlasa ng pinoy ang kanyang mga hakbang kaakibat ng kanyang mga adhikain sa lalawigan ng Catanduanes.
Isa umano sa mga matunog na tinugunan ng pangulo ang PhilHealth para sa mga mahihirap na malaki ang naitutulong sa mga pamilya, kasabay ng 4Ps. Ang environmental protection at ang kampanya kontra korapsyon ay maituturing na legacy ng pangulo kasama na ang maingat ng paglustay ng pera ng pamahalaan.
Aniya sa ngayon, nakakahawa ang ginagawa ng pangulong hinggil sa kampanya kontra katiwalian na malaki ang posibleng maging epekto sa ekonomiya hanggang sa pinakamababang konseho ng mga Sanggunian.
Ang bise gobernador, kasama sina gobernador Joseph Cua at Kongresman Cesar Sarmiento ay sabay na dumalo sa SONA ng pangulo noong ika-23 ng Hulyo sa Batasang Pambansa. (BF)
- 11/12/2012 10:05 - 123 baril narekober sa Masbate
- 11/12/2012 10:04 - Mga Punong Barangay pinaalalahan ng alkalde sa maling pag lustay ng kanilang pondo
- 11/12/2012 10:03 - Financer kan nagrumpag na minahan, papanimbagon kan LGU
- 11/12/2012 10:02 - Konsehal sa CamNorte, inakusahan ng pag-operate ng illegal mining
- 11/12/2012 10:01 - CSU grad is National LET 10th placer
- 07/08/2012 22:33 - Top list drug pusher arestado sa buy bust.
- 07/08/2012 22:33 - Nagkunwaring menor de edad tiklo sa pagnanakaw
- 07/08/2012 22:32 - Mahigit 3,000.00 board feet narra lumber,kinumpiska
- 07/08/2012 22:32 - 91st foundation ng Panganiban, dagsa ng mga balikbayan
- 07/08/2012 22:30 - DENR all out war vs. illegal logging



















