|
07 August 2012
Isinusulong ng AKO Bicol Party List (AKB) ang House Bill 6386 na layong maparusahan ang mga may sala sa krimen ng MOP-bullying upang tuluyan na itong mawalan ng kapangyarihan at lupigin.
Kasunod ng kanilang Anti-Bullying bill na aprubado na ng Kamara de Representante at kasalukuyang nasa deliberasyon at tinatalakay sa Senado, nais ng AKB na ipagbawal at maparusahan ang ang sinumang gagawa ng pambubully sa ibang tao, sa pamamagitan man ng sulat, salita o tinatawag na electronic acts nang dahil sa kanilang lahi, pinagmulan, relihiyon, paniniwala, orientasyong sekswal, pagkakakilanlan sa kasarian, estadong sosyal, edad, hitsura o paniniwalang politikal.
Ayon kay AKB Rep. Rodel Batocabe, iniinsulto umano at inaabuso ng tao ang isang tao dahil lamang sa kaibahan nito. Ang iba aniya ay labis na pambubully ang ginagawa na humahantong sa puntong nakakasakit na sa pisikal na di naman physical injuries subalit labis na nakakasakit.
Nakasaad sa naturang panukalang batas na paparusahan ang unwanted physical contact sa pagitan ng nambubully at biktima tulad ng pagsuntok, pagtulak, pagsiko, pagsipa, pasampal, pagkiliti, headlock, labis na kapilyuhan, pagbibiro, pag-aaway at ang paggamit ng kahit anumang bagay upang gamiting armas. Nilalaman din ng bill na bawal ang mapanirang puri na mga pahayag na maaring magdulot ng pinsala sa pag-iisip ng biktima at maging emosyonal na aspeto.
Binigyang-diin pa ng mambabatas na kasama rin sa naturang panukalang batas ang Cyber-bullying. Hindi umano nila hahayaan ito dahil marami sa mga nambubully sa pamamagitan ng cyberspace ay mas malakas ang loob at abusado dahil di naman nakikita dahil sa kanilang cyber identity.
Sa oras na mapatunayang guilty sa MOB-bullying, paparusahan ang mga may kasalanan ng pagkakulong o pagkabilanggo o kaya naman magbabayad ng piyansa o pareho ito. Nakasaad umano sa bill ang pagbibigay ng administrative sanctions para sa mga korporasyon, public offices at ibang judicial entities na lumabag sa mga probisyon ng MOP-bullying na humihiling, tagubilin, umeengganyo, pinapahintulutan o tumutulong na gawin ang mga akto o kilos ng MOP-bullying.
Dagdag pa ni Rep. Batocabe, na "Freedom of speech is not without limits". Kailangang magtalaga ang estado ng pamamaraan upang mapigilan ang labis na pagdurusa ng mga nagiging biktima nito dahil sa mapang-abusong pambubully at protektahan gayundin mapanatili ang isang maayos na lipunan kung saan naglilibang at ganapin ang kanilang mga karapatan habang iginagalang din ang karapatan ng iba.
- 11/12/2012 10:11 - CSU graduate placed 7th and 9th in the Civil Engineering Exam
- 11/12/2012 10:07 - Medical/Dental mission, isinagawa ng Ako Bicol (AKB) sa Naga City
- 11/12/2012 10:01 - 2 NPA, gadan sa engkwentro
- 07/08/2012 22:34 - Private armies' ng mga politiko bawal magbitbit ng baril
- 07/08/2012 22:30 - Barangay treasurer nagpatiwakal gamit ang tela
- 24/07/2012 06:40 - Cashier ng isang tindahan biktima ng snatching
- 19/07/2012 21:44 - Business opportunities presented
- 15/05/2012 19:48 - 3 persona irido matapos badilon sa baraylihan
- 15/05/2012 19:47 - Paggamit sa pangaran kan Vice-Gov. kan CamSur, bagong modus kan mga parahabon
- 15/05/2012 19:46 - Drug pusher arestado, shabu asin marijuana nakumpiskar




















