|
07 May 2013
Bicol Phils - Lalo pang tumataas ang bilang ng mga lugar na kasali sa election watchlist sa Bicol Region.
Sa pinakahuling listahan ng PNP, napag-alaman na 76 na ang mga bayan na isinailalim sa watchlist na kinabibilangan ng 24 bayan at syudad ng Masbate, 37 dito ay mula sa Camarines Sur, pito sa Sorsogon at pito sa Albay.
Ayon kay Supt. Renato Bataller, tagapagsalita ng PNP, ang kwento ng labanan sa politika, mga nairehistrong election-related cases at bilang ng mga rebeldeng grupo ang pangunahing dahilan upang isailalim sa watchlist ang naturang mga lugar.
Sa kabila nito, wala pa namang lugar sa rehiyon ang nasa ilalim ng Comelec control maging ang lalawigan ng Masbate sa kabila ng nauna ng kahilingan ng ilang peace advocates.
Kaugnay nito, nakatakdang dagdagan ang pwersa ng pulisya sa nasabing mga lugar upang mapanatili ang peace and order situation kaugnay sa paparating na eleksyon.



















