DAET, Camarines Norte  -- “Hindi na aangkat ng bigas ang bansa sa susunod na taon,” ito ang pahayag ni Secretary Proceso Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka sa kanyang pakikipagpanayam sa mga mamamahayag at pakikipagpulong sa mga punong bayan, magsasaka, at mangingisda noong ika-3 hanggang ika-4 ng Mayo.

Sinabi niya na sa taong 2013, ang bigas sa bansa ay sapat at maaari pang mag export. Ito ay dahil sa kanilang isinasagawang suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga pasilidad sa patubig, suporta sa binhi, mga pagsasanay lalo na sa pagsasaka, at ibat-ibang pangangailangan ng mga magsasaka.

Ipinaliwanag niya na ngayong taon ay mapapatubigan na ang 191,000 ektaryang palayan at nakapag enganyo na rin sila ng maagang pagtatanim sa Central Luzon kung saan mahigit 200,000 ektaryang palayan ang nakasali at nakatakda ang anihan sa buwan ng Agosto bago ang tag-ulan.

Inatasan niya ang National Irrigation Administrator (NIA) para sa pagsasaayos ng Daet Talisay River Irrigation System (DTRIS) kung saan siniguro ni Regional Director Engr. William Ragodon na ang pagsasaayos ng naturang proyektong may P15 milyong pondo ay magsisimula sa ikalawang linggo ng Mayo at naglaan rin sila ng P8.4 milyong badyet para sa rehabilitasyon ng pasilidad sa irigasyon sa iba pang lugar sa lalawigan.

Sinabi rin niya na dahilan sa mataas na halaga ng komersiyal na abono sa pagsasaka, patuloy ang kanilang isinasagawang pagsasanay sa organikong pagsasaka na makakatulong rin na maibalik ang kalidad ng lupa at ganon din ang paggamit ng pinaghalong organiko at di organikong pataba sa lupa. Sinigurado rin niya ang pamamahagi ng registradong abono para magkaroon ng certified seeds ang mga magsasaka.

Pinangunahan ni Secretary Alcala ang pamamahagi ng P15.9 milyong halaga ng makinarya sa pagsasaka, mga pananim, mga kagamitan sa pangingisda, puhunan sa pangkabuhayan, at pa-raffle ng ibat-ibang pangangailangan sa pagsasaka sa stakeholders forum.

Hinikayat rin ng kalihim si Gobernador Edgardo Tallado para sa pagbuo ng special court o green court upang malutas ang mga isyu sa kapaligiran, iligal na pangingisda at iba pa.

Samantala, namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng kaniya-kaniyang makina sa mga punong bayan ng siyam na coastal municipalities na nagkakahalaga ng P35,000. kung saan ang mga bangka ay ang mga lokal na pamahalaan naman ang sasagot upang gamitin sa bantay dagat. (MAL/RBM-PIA 5, Camarines Norte).


Newer news items:
Older news items:

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal