|
15 May 2012
LUNGSOD NG SORSOGON -- Naging matagumpay ang tatlong araw na isinasagawang 3rd Bicol Prosecutors Convention sa Sorsogon na nagsimula noong Miyerkules at nagtapos nitong Biyernes, Mayo 11.
Kabilang sa mga naging tampok na aktibidad ay ang Corporate Planning and Management Conference alinsunod sa ipinadalang Memorandum ni DoJ Secretary Leila De Lima na may petsang Marso 2, 2012.
Kamakalawa ay nag-ikot ang mga kalahok sa tatlong bayan ng lalawigan upang personal na makita ang mga destinasyong panturismo na ipinagmamalaki ng Sorsogon, kabilang na ang world heritage sa bayan ng Barcelona, Bulusan Lake sa Bulusan, at mga beach at resort sa bayan ng Gubat, bilang bahagi na rin ng promosyon ng mga magagandang tanawin, sebisyo, kaugalian, at produktong natatangi sa Sorsogon.
Matatandaang naglagay din ang Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon ng mga tindahan sa may lobby ng Bulwagan ng Katarungan upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga local traders at business establishments sa Sorsogon upang kumita habang ginagawa ang kombensyon.
Sa panghuling araw, isinumite ni Deputy Regional Prosecutor Jose Demosthenes sa mga kasapi ng Bicol Prosecutors League ang Proposed Constitution and By-Laws ng Bicol Prosecutors League at isinagawa na rin ang pagraratipika nito.
115 kalahok sa kabuuan ang nagrehistro sa convention na kinabibilangan ng mga opisyal ng National Prosecutors League of the Philippines at mga taga-usig mula sa iba’t-ibang mga lugar sa buong rehiyon ng Bicol. (MAL/BAR-PIA Sorsogon)
- 07/08/2012 22:26 - Villafuerte at Lee, pinakamayaman at pinakamahirap na gobernador sa Bicol
- 24/06/2012 08:46 - DOLE V holds basic labor laws orientation
- 15/05/2012 19:43 - DA allots P10M for Bicol livelihood projects
- 15/05/2012 19:42 - DPWH V fast tracks projects to address flooding
- 15/05/2012 19:41 - Pamamahagi ng forestry seedlings, patuloy sa CamNorte
- 10/05/2012 23:14 - Celebration of Word Red Cross Day benefits indigenous peoples
- 10/05/2012 23:12 - Fast tracking of climate change action plan urged
- 10/05/2012 23:11 - Grid Corp. naglaan ng P355M sa pagpapalawak ng South Luzon substation
- 10/05/2012 23:10 - Phl hindi na aangkat ng bigas sa susunod na taon-DA Sec. Alcala
- 10/05/2012 23:08 - Sorsogon panglima sa may pinakamababang insidente ng kahirapan



















