|
15 May 2012
DAET, Camarines Norte -- Patuloy ang pamamahagi ng pantanim na punong-kahoy o Forestry Seedlings ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Ecosystem and Environmental Resource Management Division (EERM).
Ito ay ipinamamahagi sa mga pribado at pampubliko o may mga organisasyon, ganundin sa mga indibidwal na nais magtanim kaugnay sa kanilang proyekto o hangarin sa pagtatanim ng puno sa kanilang mga lugar.
Ayon kay Supervising Environmental Management Specialist Engr. Leopoldo Badiola, ito ay tulong ng pamahalaang panlalawigan upang mapanumbalik ang kaayusan at kagandahan ng ating kapaligiran at ito ay isang paraan ng pagsangga natin sa patuloy na epekto ng global warming.
Dagdag pa ni Badiola, namamahagi rin ang kanilang tanggapan sa isinasagawang Provincial Multi-Services Caravan tuwing Biyernes sa mga barangay na nangangailangan ng mga punong pantanim.
Katuwang ng EERMD ang Bantay Gubat Volunteer na nakatalaga sa watershed ng bayan ng Labo, San Lorenzo Ruiz, at San Vicente sa pangongolekta ng mga wild lings sa kanilang lugar para sa karagdagang mga binhi na nasa pangangalaga ng nursery ng pamahalaang panlalawigan.
Ang tanggapan ng EERMD ay nakapamahagi na ng 30,837 forestry seedlings noong nakaraang 2011 na kinabibilangan ng Mahogany at Narra kasama ang karagdagang pantanim na Lubas, Berva, Dangcalan, Camagong, Anahaw, Maligang, Cacao, at Langka at target ngayong taon na makapamahagi ng mahigit o hindi lalampas sa 40,000 pantanim na mga punongkahoy.
Sa mga nais sumaili sa proyektong ito, maaaring magsadya sa tanggapan ng kapitolyo ng probinsiya upang magkaroon ng mga punong pantanim at iba pang pwedeng ibigay ng tanggapan ng EERMD. Magdala lamang ng liham na nakasaad ang mga kahilingan.
Ito ay proyekto ng Forestry Seedlings Protection Project at Tree Planting Program sa ilalim ng Forestry Management Program ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Edgardo A. Tallado. (MAL/ROV-PIA Camarines Norte)
- 07/08/2012 22:29 - NFA now sells well-milled rice at P28/kilo
- 07/08/2012 22:26 - Villafuerte at Lee, pinakamayaman at pinakamahirap na gobernador sa Bicol
- 24/06/2012 08:46 - DOLE V holds basic labor laws orientation
- 15/05/2012 19:43 - DA allots P10M for Bicol livelihood projects
- 15/05/2012 19:42 - DPWH V fast tracks projects to address flooding
- 15/05/2012 19:39 - 3rd Bicol Prosecutors Convention sa Sorsogon isinagawa
- 10/05/2012 23:14 - Celebration of Word Red Cross Day benefits indigenous peoples
- 10/05/2012 23:12 - Fast tracking of climate change action plan urged
- 10/05/2012 23:11 - Grid Corp. naglaan ng P355M sa pagpapalawak ng South Luzon substation
- 10/05/2012 23:10 - Phl hindi na aangkat ng bigas sa susunod na taon-DA Sec. Alcala



















