|
07 August 2012
Bicol Philippines – Kung pagbabatayan ang 2010 Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na isinumite sa Civil Service Commission (CSC), si Gobernador L-Ray Villafuerte ng Camarines Sur ang maituturing na pinakamayaman na gobernador sa buong Bicol habang si gobernador Raul Lee ng Sorsogon ang maituturing na pinakamahirap.
Si Villafuerte ay may kabuuang assets na P221M. Sinusundan ni gobernador Edgardo Tallado ng Camarines Norte P63M, pangatlo si gobernador Joseph Cua ng Catanduanes P58M, gobernador Joey Salceda ng Albay ang ikaapat P51.5M habang si gobernador Rizalina Laneta ng Masbate ang ikalima at gobernador Raul Lee ang pinakahuli na meron lamang ng P1.8M.
Sina gobernador Salceda at Cua ang maituturing na may pinamakataas na liabilities sa lahat na mga gobernador sa rehiyon.
Si Cua ay may total networth na 40.3M habang si Salceda ay 39M. Ideneklara ni Cua ang lampas sa 9.3M loan at umaabot sa 8M na payables habang si Salceda merong 5M personal loan at 11.7M mortgage payables.
Sa kabila ng pagiging pangalawa sa may pinakamataas na networth, hindi naman nagdeklara ng cash ang gobernador ng Camarines Norte habang si Cua ang may pinakamababa sa mga nagdeklara ng cash na nagkakalahaga lamang ng P369,227.44. Si Villafuerte pa rin ang nangunguna sa idineklarang cash na 7M, sinusundan ito ni Salceda 2.8M, Lanete 1.9M at Lee P543,376.62.
Sa loob ng 12 taon sa government service, si Salceda ay nakapagtala ng 39M real properties lamang habang si Cua ang maituturing na may pinamaraming naisilid na real properties. Sa unang termino noong 2007, umaabot ito sa 32.7M kasama na ang 19 parcels of land at 7 buildings mula sa mga bayan ng San Andres at Virac at commercial properties, house and lot sa Quezon City na nagkakahalaga ng 13M.
Samantala, naitala rin ni Cua noong 2010 SALN ang 24 parcels of land na merong P37M, mga personal at iba pang properties na nagkakalahaga ng P20.9M kasama na ang hindi pinangalanan na personal properties P1.9M, stocks and investments P13.7M, sasakyan P5M at cash na P369,000.00.
Kasama rin sa kanyang mga dineklara ang business at financial connections maging sa kanyang asawang si Nancy sa kabuuang 13 establishments: Eastern Island Shipping Lines, Inc., Island Gasoline Station, JC Cua Construction & Supply, Food Haus & Slapshock, JC Cua Realty & Dev't. Corp., Manila Hemp Trading Corp., Ocean Coast Shipping Corp., Powerdrive Gear Motors, Inc., Powerzone Petroleum Products Corp., Regina Shipping Lines, Inc., RSL Bus Transport Corp., Virac Home Resort Realty Corp., at 168 Shipping Inc.
Samantala, bumaba ang personal at other properties ni Salceda mula sa 13.2M noong 1998, 15.9M sa 2009 at naging 5.2M sa 2010.
Nag-invest naman sa real properties si Salceda. Noong 1998 meron lamang siya ng 4 properties na nagkakahalagang 7.1M kung saan kasama rito ang 3 lupa at golf unit sa Boracay. Tumalon naman ito noong 1999 ng karagdagang 5 parcel of land upang umabot sa 15.6M noong 2001, 2003 at 2004. Sa kabuuan, mula sa 7.1M noong 1998 merong na siyang 46.3M real properties sa taong 2010. (Fb/MS/RS)
- 11/12/2012 09:58 - Labi ng 2 pang minero natagpuan na sa Camarines Norte
- 11/12/2012 09:58 - Albay's smoke-free ordinance now in effect
- 11/12/2012 09:57 - P1.142-B Albay West Coast Road, napunduhan na
- 07/08/2012 22:29 - TESDA to launch P1.3-B 'Anti-tambay' program for out-of-school youth
- 07/08/2012 22:29 - NFA now sells well-milled rice at P28/kilo
- 24/06/2012 08:46 - DOLE V holds basic labor laws orientation
- 15/05/2012 19:43 - DA allots P10M for Bicol livelihood projects
- 15/05/2012 19:42 - DPWH V fast tracks projects to address flooding
- 15/05/2012 19:41 - Pamamahagi ng forestry seedlings, patuloy sa CamNorte
- 15/05/2012 19:39 - 3rd Bicol Prosecutors Convention sa Sorsogon isinagawa



















