VIRAC, Catanduanes – Ayon sa pinakahuling sworn Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na isinumite ni Catanduanes Governor Joseph C. Cua at ng kanyang maybahay na si Mrs. Nancy O. Cua sa tanggapan ng Ombudsman noong nakaraang Hunyo 2012, umaabot sa P41,129,663.78 milyon ang kabuuang yaman ng mag-asawa, bahagyang mataas kumpara sa kanyang 2010 SALN kung saan P40,353,033.45 milyon ang kanilang ideneklarang kayamanan.

Ang gobernador at ang kanyang maybahay ay nagdeklara ng mahigit P39 milyong halaga ng ari-arian sa real properties na kinabibilangan ng 47 bilang ng mga lupain, gusaling pang-negosyo at pang-tahanan at sakahan mula sa mga bayan ng Virac, San Andres, San Miguel at Camarines Sur. Maliban dito ang bahay at lupa sa Grace Village sa Quezon City na nagkakahalaga ng halos P14milyon. Sa kabuuan, nagkakahalaga ang lahat ng mahigit P45.2 milyon batay sa market value ngunit nakuha lamang ang mga ito ng mag-asawang Cua sa halagang P39,220,203.35 milyon.

Samantala, P25,729,508.55 milyon naman ang halaga ng deklaradong personal assets ng mag-asawa. Ito ay kinabibilangan ng dalawang milyong halaga ng personal properties na hindi nila pinangalanan, P18.3 milyon mula sa stocks at iba't-ibang investments, P5 milyon ang kabuuang halaga ng kanilang mga sasakyan at mahigit P400 Thousand lamang ang deklarado at pinaghalong pera ng mag-asawa mula sa tatlong bank accounts. Ang unang account ay nasa pangalan ng gobernador at ito ay may depositong mahigit P66Thousand lamang. Ang ikalawang account ay sa pangalan ni Mrs. Nancy O. Cua at naglalaman ng mahigit P300Thousand. Samantalang ang huling account ay joint account ng mag-asawa at ito ay naglalaman ng mahigit P28Thousand pesos.

Ang kabuuang ari-arian at kayamanan ng mag-asawa mula sa Real Properties at Personal Assets ay P64,949,711.90 milyon subalit sila ay may pagkakautang na nagkakahalaga naman ng P23,820,048.12 milyon. Ang mag-asawa ay may kabuuang bayarin na mahigit P5.5milyon, si Mrs. Cua bilang isang negosyante ay may pagkakautang naman ng mahigit P6.5 milyon mula sa isang bangko samantalang halos P12 milyon naman ang utang ng gobernador mula sa isa pang hiwalay na bangko.

Samakatuwid, ang total networth ng mag-asawa o ang kanilang kayamanan, ayon sa SALN, ay umaabot nga sa mahigit P41.1 milyong piso.

Ang gobernador, ayon sa SALN, ay may kabuuang P13,681,459.21 milyong halaga ng stocks at investments mula sa Island Gasoline Station (P2,791,897.17M) at JC Cua Construction and Supply (P10,889,562.04M), samantalang si Mrs. Cua ay may mahigit P4.6 milyong halaga ng stocks and investments sa Eastern Island Shipping Lines, Inc.(P1.2M), Foodhaus and Slapshock(P654,640.70Thousand), Catanduanes Agriculture Initiative Corp. (P100Thousand), JC Cua Realty and Dev't Corp. (P250Thousand), Manila Hemp Trading Corp. (P30Thousand), Ocean Coast Shipping Corp.(P3,500), Powerdrive Gear Motors, Inc.(P156,250), Powerzone Petroleum Products Corp. (P225 Thousand), Regina Shipping Lines (P1,500), RSL Bus Transport Corp.(P2,500), Virac Home Resort Realty Corp.(P12,500) at 168 Shipping Inc.(P2M).

Batay sa SALN, si Cua ang pang-apat sa pinakamayamang gobernador sa Bicol na pinangungunahan ni Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte na may mahigit P221 milyong networth, Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado na may mahigit P162 milyong networth, Albay Gov. Joey Salceda na may halos P43 milyong networth, Catanduanes Gov. Cua na may P41.1 milyon, Masbate Gov. Rizalina Lanete na may P10.8 milyon at Sorsogon Gov. Raul Lee na halos dalawang milyon lamang ang deklaradong kayamanan.

 

Add a comment

Click here for the Editorial Click here to read Sniper Patrol Click here to read Green Alert Click here to read Medical Discoveries Click here to read Metro Philippines Click here to read Detective Click here to read FB-Eye Click here to read Vox Populi

Food For The Soul

NO PROPHET IS ACCEPTED IN HIS OWN COUNTRY
Rev, Fr, Orly Mendoza

FOURTH SUNDAY IN ORDINARY TIME
(Green) Cycle C, Year I (February 3, 2013)
Jer 1:4-5, 17-19/1Cor 12:31- [ ... ]


Special Feature

LAGARTO: Disponer,Sustiner,Mantiner
BPNews Team

Iyo ini ang nasa arimantak ngonyan kan kadaklan na mabuag sa 2013 election na dati ng naka tukaw sa  [ ... ]


Green Alert

Congratulations!! BP
Buddy V. Isorena

This column joins the legion of friends—advertisers, readers/subscribers-- of this local newspaper [ ... ]


fashion journal