Caramoran, Catanduanes – Isang lalaki ang hinatulan na mabilanggo ng dalawampu (20) hanggang apatnapung (40) taon matapos mapatunayan sa humukan ang akusasyon laban dito na panggagahasa sa isang labing dalawang (12) taong gulang na dalagita sa sa bayang ito.

Sa sala ni Hon. Lelu P. Contreras, ang presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 43, napatunayang nagkasala si Roger Padin, nasa tamang edad, at residente ng Brgy. Salvacion, Caramoran, Catanduanes sa kasong rape na may parusang pagkakakulong ng 20-40 taon sa ilalim ng Revised Penal Code. Maliban dito, sinabi rin ng hukuman na hindi rin maaring ma-kwalipika ang convict na mabigyan ng parole.

Matatandaang, taong 2012 nang mangyari ang panghahalay sa 12 anyos na biktima kung saan buong dahas na isinakatuparan ni Padin ang pang-aabuso sa biktima. Maliban sa mga nabanggit na parusa, pinagbabayad din ng korte si Padin ng halagang pitumpo’t limang (75,000) libong piso bilang civil indemnity, pitumpo’t limang (75,000) libong piso bilang moral damages at isa pang pitumpo’t limang (75,000) libong piso bilang exemplary damages. Dahil dito, nabunutan naman ng tinik ang mga kapamilya ng biktima matapos ang paglilitis at nabigyan ng hustisya ang sinapit ng kawawang biktima. (Ramil Soliveres)

Advertisement