Virac, Catanduanes –  Arestado sa buy-bust operation ang isang babae na pininiwalaang tulak ng droga sa Market Site, Brgy Concepcion sa bayang ito.

Ang suspek ay nakilalang si NICCA TOJON y LOPEZ ng  San Jose, Viga, Catanduanes na kasalukuyang nakatira sa Imperial Homes Subdivision, SIV.

sa isinagawang joint operation ng CATPIB, RID, 1st PMFC at VIRAC MPS sa pangunguna ni PMAJ JOSEFINO C TITONG JR.

Nakumpiska sa kontrol ng suspek ang limang (5) sachet w/ white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at tatlong (3) pirasong  Php500.00 bill.

Pormal ng sinampaan ng kaukulang   kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang susoek.

Sa hiwalay na operasyon noong September 9, 2019 dakong alas 7:10 ng gabi nang maaresto rin sa buy-bust operation si Lucilo. Rojas y Yuga, nasa watchlisted/Surrenderer mula sa barangay Capilihan, Virac, Catanduanes

Nakumpiska sa suspek ang isang  (1) sachet ng pinaniniwalaang shabu at tatlong  (3) pirasong php500.00 buy-bust money.(fb/Pat Yutan)

Advertisement