Virac, Catanduanes- Ideneklarang generally peaceful ang paggunita ng Undas 2017 sa lalawigan ng Cadanduanes.

Ito ang inihayag ni PNP Provincial Provincial Director Felix Servita sa panayam ng Bicol Peryodiko. Ayon sa opisyal, walang untoward incident na naitala ang pahat na PNP station sa buong lalawigan. Nangyari umano ito sa pamamagitan ng magandang kooperasyon mula sa mga barangay officials sa pamamagitan ng barangay tanod maging sa maagang preparasyon at pagpapaalala sa mga mamamayan bago pa ang noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Sa pamamagitan umano ng early campaign sa mga do’s and dont’s sa loob ng sementeryo ay matagumpay na naipaabot sa publiko ang mga dapat at hindi dapat gawin habang ginugunita ang naturang pagdiriwang. Binigyang pansin ng opisyal ang pakikipagtulungan ng mga ahensya kagaya ng Philippine Army, Department of Public Works and Highways (DPWH) lokal na pamahalaan at traffic enforcers.

Muling nagpasalamat ito sa publiko sa ibinigay na kooperasyon ganundin ang paggalang ng publiko sa solemnity ng selebrasyon.

Advertisement