Virac, Catanduanes – Iligtas ang mga kabataan sa iligal na droga. Ito ang panawagan ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) na tema sa National Children’s Month sa Nobyembre 2017.

Sa pakikiisa ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa nasabing selebrasyon, magkakaroon ng iba’t-ibang aktibidad ang nasabing tanggapan katulad ng ‘Showcase of Talents’ na lalahukan naman ng mga bata sa labing isang (11) municipyo ng Catanduanes. Sa patimpalak ay matutunghayan ang pagkwento, pagkanta at pagsayaw ng mga bata mula sa mga day care centers sa probinya upang maipamalas ang kanilang mga talent.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Maribel Tomagan ng PSWDO, sinabi nito na ang nasabing aktibidad ay naglalayong imulat ang mga kabataan na makilahok sa mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa pagsugpo ng droga. Ito rin umano ang magbibigay daan upang ipakita ang mga talento at mabigyang-pansin sa lipunan. Dagdag pa nito, ito umano ay magsisilbing daan at gabay para maiparating sa buong mamamayan ng probinsya ang hangarin nitong imulat sa publiko ang mga karapatan at kapakanan ng mga bata sa lipunan. Inaasahan din umano ng nasabing pamunuan na magbibigay ito ng inspirasyon sa mga kabataan at magulang upang palaging bantayan ang mga karapatang ng mga mga bata.(J. Panti)

Advertisement