Virac, Catanduanes – Aarangkada na ang taunang provincial meet sa Nobyembre, 3-5, 2017 na gaganapin sa Virac Sports Complex tampok ang atletang estudyante ng elementarya at high school sa iba’t-ibang bahagi ng probinsyang ito.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Department of Education (DepEd) Division Schools Sports Officer Mary Jane Romero, sinabi nito na inaprubahan na ni Schools Superintendent Socorro Dela Rosa ang mga termino sa nasabing palaro sa probinsya. Ang provincial meet ay magbibigay daan upang ipamalas ang husay at galing ng mga atletang estudyante na pagpipilian upang ilahok sa malalaking patimpalak na gaganapin sa regional at national level.

Ayon pa sa opisyal, bagama’t walang sapat na pundo and Deped para sa nasabing palaro, magkakaroon pa rin umano ng apatnapung libong (P4,000) piso ang bawat sona bilang pundo nito. Manggagaling umano sa Special Education Fund ng DepEd ang karagdagang budget upang maisakatuparan ang naturang palaro.

Taliwas ito sa kumakalat na balita na nagpapatupad umano ang Deped ng ‘mandatory collection’ para gawing pundo sa nasabing palaro. “The fact that the amount is the same then, there is no directive from the division office of such collection. In fact biga discourage ang mandatory collection. However, if there is local initiative, we don’t prohibit it and let us not deprive the benefits to the people,” dagdag pa ni DSSO Romero.

Hinati ang mga paaaralan sa probinsya sa pitong (7) sona para magtungali at magpakita ng kanilang kagalingan sa palakasan. Tatlo (3) sa mga sona nito ay ang Catanduanes National High School, San Andres Vocational School at Immaculate Concepcion Seminary Academy. (J. Panti)

Advertisement