Turismo, isa sa tinitutukan ng LGU Bato

0
4144

Bato, Catanduanes – Isa sa pinagtutunan ng pansin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Bato ay ang tourism project.

Sa kanyang ulat sa bayan, inilahad ni Mayor Leo Rodriguez na malaki ang naitutulong ng turismo sa development ng isang lugar. “ Ang development ng Sacahon Beach sa Bote at Mangrove Ecopark sa Batalay. Pagkatapos niyan, susunod na rin po ang Carorian Wonders sa Carorian na nakilala na hindi lamang sa local tourists kundi pati na rin mga national at international tourists.

Ang bayan ng Bato ang gateway patungo sa Baras na siyang nagiging sentro ng turismo ngayon sa lalawigan. Kilala rin ang bato sa mga historical scene kagaya ng Batalay Shrine at ng Batoi Church.

Samantala, isang malaking accomplishment ng pamunuan ni Mayor Rodriguez nang makuha ng LGU Bato ang ika-siyam na pwesto sa National Cities and Municipalities Competitiveness Index ngayong taon sa ilalim ng resiliency criteria for 3rd and 6th class municipalities out of 853 municipal entries in the entire Philippines.

Ayon sa alkalde, nangangahulugan ito na madali silang maka-recover sa anuman na pagsubok na dumaraan sa kanilang munisipyo na resulta ng sama-samang pagtutulungan.

Nakuha ng LGU Bato ang ika-52 pwesto sa overall ranking out of 853 entries. Nanguna ang Bato sa mga munispyo ng Catanduanes na sinundan ng Munisipyo ng San Andres na rank 251. (Sam Panti)

Advertisement