Virac, Catanduanes- Nabunutan ng tinik ang isang babaeng marathoner at asawa nito matapos absuweltuhin ng Committee race organizers.
Una ng inakusahang sumakay sa support team sina team Philhealth participants Marcia Natalla Simsiman at ang asawa nitong si Joel habang binabaybay ang kahabaan ng Bato at Baras area sa isinagawang “Isla ng Catanduanes Ultra Marathon” (ICUM) 2017.
Unang kumalat sa social media sa pamamagitan ng post ng isang nagngangalang socito ang alegasyon na sumakay ang mag-asawang runners kung kaya’t nakuha ni Simsiman ang ikalawang pwesto sa women group na nakarating dakong alas 5 ng hapon.
Sa liham na ipinadala ng race director na sina JO3 Lao Ogerio at co-organizer John Henri Mariano, inilahad nito na matapos timbangin ang mga posisyon ng magkabilang kampo, lumalabas na hindi nilabag ng mag-asawa ang rules ang regulation ng race marathon dishonesty at disobedience sa kabila ng mga bintang ng ilang katunggali.
Upang matiyak na patas sa magkabilang kampo ang desisyon ng race organizers, ipapadala naman sa kani-kanilang abugado ang position papers upang maingat na pag-aralan ang mga ebidensyang i-prenisenta.
Nangako naman ang race organizer na rerebisahin nila ang kanilang guidelines kung may dapat baguhin upang matiyak na hindi na mauulit ang nasabing insidente. Umaasa naman ang pamunuan na patuloy na tangkilikin ng mamamayan ang kanilang event na nagdadadala ng mga turista sa lalawigan ng Catanduanes bawat taon.