Virac, Catanduanes – Matapos ang malakas na ulan dulot ng bagyong Ramil, naglipana ang mga sanga ng kahoy sa baybayin ng Virac simula noong ika-31 ng Oktubre, 2017.
Pinagkaguluhan ito ng mga residente sa Barangay San Vicente, Rawis, Salvacion, San Pablo at San Juan upang gawing panggatong. Dahil dito, malaki ang tuwa ng mga residente sa nasabing mga barangay sapagkat malaki ang kanilang matitipid sa pagkuha ng mga retaso at perasong bahagi ng mga kahoy.
Ayon naman sa mga residenteng nakasaksi, ito ay isang senyalis ng negatibong nangyayari sa kabundukan kung saan hindi pa umano natitigil ang illegal logging.
Taliwas ito sa pahayag ng utoridad na wala na umanong illegal logging sa probinsya. Ang nasabing mga kahoy ay nanggaling umano sa kabundukan dahil sa tahasang pagputol ng kahoy upang ibenta at gawing hanap buhay ng mga residente.
Batay sa pag-aaral, ang pagkaubos at pagputol ng mga kahoy ay nakakasira sa likas na yaman, dahilan upang magdulot ito ng mga sakuna tulad ng landslide at pagkisara ng ‘water shed’ na nagiging dahilan ng madalas na pagbrownout.