Malapit nang sumapit ang pinakahihintay ng sambayanang Pilipino, lalo na itong mga Katoliko at iba pang sektang na ginugunita ang kapanganakan ng tagapagtubos ng sanglibutan.

Narito ang mga makabuluhang katanungan ngayong linggo, mga Ka-Peryodiko.
(1) Dahil sa diumano’y 13th o 14th month pay/bonus na na-received ng mga private and government employees noong nakaraang linggo, tunay bang magiging masaya ang karamihan?;

(2) Hindi na kaya hagupitin ang ka-Bicolan, lalo na ang Islang Kayganda, ng darating pang bagyo, kung meron man, tulad noong Disyembre 25, 2016?;
(3) Gaano na kaya kahanda ang LGU-Virac sa parating na ka-fiestahan ni Nstra. Immaculada Concepcion? Totoo bang magiging ‘ma-bongga’ ang inihandang aktibidades ng Virac bilang showcase at capital town ng Islang Kayganda?;

(4) Hanggang kailan palaging kukurap-kurap ang elektrisidad na ipinamamahagi ng ‘Deficelco’ sa buong lalawigan?;
(5) Sino kayang IPP ang mapipili na makapgbibigay ng supesyenteng serbisyo ng kuryente?
(6) How long will Catandunganons suffer from this Ficelco and other entities-induced maladies brought about by apparent mismanagement and politically-motivated manoeuvrings by some personalities in Catanduanes?;
(7) Hanggang kailan matutuldukan ang pakikialam ng mga pulitiko sa BOD eleksyon atbp. kaganapan sa ‘Deficelco’?
* * * *
Ngayon, balikan natin ang mga makabuluhan o seryosong usapin tungkol sa “Buhay na May Layunin.”
Apat na bahaging makatutulong sa iyo (atin):

Sa katapusan ng bawat kabanata ng aklat na ito’y may seksiyong pinamagatang “Pag-iisip Tungkol sa Aking Layunin”. Dito natin matatagpuan ang:
o Puntong Dapat Pagnilayan. Ito’y butil ng katotohanang naglalagom ng isang prinsipyo ng pamumuhay nang may layunin. Maaari mo itong pagnilayan sa buong maghapon. Sabi ni Pablo kay Timoteo, “Dili-dilihin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipauunawa sa iyo ng Diyos ang lahat ng ito.”
o Talatang dapat tandaan. Ito’y isang talata mula sa Biblia na nagtuturo ng isang katotohanang ipinapaliwanag ng kabanata. Malaking tulong sa buhay ang may mga sauladong talata sa Biblia. Maaari mong kopyahin ang mga talata sa maliliit na kard at dalhin ito saan ka magpunta. Puwede ka ring bumili ng Purpose Driven-Driven Life Scripture and Affirmation Pack.

o Tanong na Dapat Pag-isipan. Ang mga tanong na ito ay makatutulong upang mapag-isipan
mo nang husto ang mga implikasyon ng iyong nabasa, at kung paano mo ito magagamit sa iyong buhay. Mas makabubuting isulat mo ang mga sagot sa mga palugit ng aklat o sa isang kwaderdo. Puwede ka ring kumuha ng kopya ng The Purpose-Driven Life Journal. Sa pagsusulat mo ng iyong mga naiisip ay higit na lumilinaw ang mga ito.

Sa apendise 1 ay makikita mo ang:
o Mga Katagang Pantalakayan. Mabuting magkaroon ka ng isa o higit pang mga kaibigang makakasama mo sa pagbabasa ng aklat na ito sa susunod na 40 araw. Ang isang paglalakbay ay mas maganda kung may kasama. Mapag-uusapan ninyo ang mga nabasa at makakapagpalitan kayo ng mga ideya.

“Ang prosesong ito ay makakatulong para lumakas at lumalim ang pananampalataya mo. Ang tunay na paglalagong espirituwal ay hindi makakamtan nang mag-isa. Matatamo ang espirituwal na paglago at paglalim kung ikaw ay nakikipag-ugnayan sa iba bahagi ka ng isang komunidad.

“Upang maging maliwanag sa iyo ang layunin ng Diyos para sa buhay mo, ang pinakamabisang paraan ay hayaang mangusap ang Biblia sa iyo. Ang aklat na ito’y nagtataglay ng mahigit sanlibong talata mula sa ibat ibang salin at paraprasis ng Biblia,” dadag na paliwanag ni Pastor Rick Warren.
Ipapanalangin niya tayo. Ayon kay PRW, sa kanyang pagsulat ng aklat na ito, madalas niyang ipanalanging sana’y maranasan mo (natin) ang kamangha-manghang pag-asa, kalakasan, at kagalakang nanggagaling sa pagtuklas kung bakit tayo inilagay ng Dioys sa mundong ito.

Ayon pa sa kanya, wala itong katmbas. Masayang masaya siya dahil alam daw nyang magagandang bagay na mangyayari sa iyo (atin). Nangyari na raw ito sa kanya at siya’y hindi na tulad ng dati mula nang matuklasan n’ya ang kanyang layunin sa buhay.

Dahil alam nya ang mga bebepisyo nito, gusto nyang hamunin na manatili tayo paglalakbay sa susunod na 40 araw. Siguraduhin daw nating huwag makaligtaan ang araw ng pagbabasa. Ang buhay natin, ayon kay PRW, ay mahalaga kaya dapat tayong maglaan ng panahon para pag-isipan ito.

Gumawa raw tayo ng appointment tungkol dito sa ating iskedyul. Ang gagawin natin sa isang commitment o pangako ay isang mahalagang pagpapahayag ng desisyong ito. Kung may ka-partner daw tayo, papirmahin rin natin siya sa susunod na pahina. Sa susunod isyu na tayo magsisimula, okey ba, mga Ka-Peryodiko?

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.