Virac, Catanduanes- May kabuuang tatlumpo’t anim (36) ang naitalang paralegal assisted releases ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lalawigang ito.

Sa pamamagitan ng iba’t-ibang mode of releases na ginagamit ng mga paralegal officers naitala ang nasabing bilang at ito ay parte ng programa ng gobyerno na “Oplan Decongestion” kung saan inaatasan ang mga paralegal officers na iactivate lahat ng paraan upang mabawasan ang bilang ng mga kulungan sa lugar. Bigla kasi umanong lumubo ang bilang ng mga kulungan simula ng ipatupad ng mga otoridad ang “Oplan Tokhang” kung saan congested na ang mga kulungan taliwas sa standards ng United Nations.

Sa Virac District Jail naitala ang dalawampu’t dalawang (22) paralegal assisted releases kung saan labing-tatlo (13) rito ang nai-transfer na sa National Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW), pito (7) ang nakapagpiyansa, isa (1) ang nakapag-serve ng sentensiya, at isa (1) ang nai-release on recognizance o may 25.5% decongestion rate at 300% congestion rate. Kasalukuyang may siyamnapu’t apat (94) ang kabuuang bilang ng mga residente nito taliwas sa dalawampu’t limang (25) ideal ratio ng UN.

Samantala, sa tulong ni paralegal officer Jail Officer 1 Kelvin Jonathan Prieto ng San Andres District Jail, naitala rin sa nasabing kulungan ang labing-apat (14) na paralegal assisted releases kung saan sampu (10) rito ang nailipat na sa NBP at CIW, tatlo (3) ang nakapagpiyansa at isa (1) ang dismissed o 16.27% decongestion rate kumpara sa actual jail population na walumpu’t anim (86). Nagtala naman ang nasabing kulungan ng 400% congestion rate. (RD4)

Advertisement