Virac, Catanduanes- Isinapubliko ng Huwes ang pangamba nito sa kanyang buhay kaugnay sa kaso ng tinaguriang mega shabu laboratory sa Brgy. Palta Small, Virac, Catanduanes.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko, sinabi nitong maraming nagpapaabot ng impormasyon sa kanya hinggil sa mga nalalaman sa shabu lab maging sa mga taong nasa likod nito, kung kaya’t kailangan niya umanong mag-inhibit sa kaso. Meron umanong mga nagbibigay ng impormasyon sa kanya subalit natatakot na lumantad para patunayan ang mga akusasyon dahil sa seguridad.

Sa pagharap ng mga personahe ng National Bureau of Investigation (NBI) sa sala ni Executive Judge Lelu P. Contreras ng Regional Trial Court (RTC) Catanduanes kay Atty. Eric Isidoro, ang isa sa pangunahing akusado noong Abril 13, 2018, kinumpirma nito na kabi-kabilang tawag ang kanyang natanggap isang araw bago dinala ito sa lalawigan.

Itinuro ng Huwes si Isidoro na siyang nasa likod umano ng mga tawag.
“Lahat deny, last night, last call sa akin 9:40 in the evening, denied ko. Takot din ako sa buhay ko, that is why I am make it known kung may mangyari sa akin sa iyo iyon Atty. Isidoro. If ever something’s happen to me, that I’m here as judge of Catanduanes or even after that, isa lang naman ang taong alam ko na pupunterya sa akin. I am very frank, prankahan lang ako magsalita dahil naiinis ako na tatawagan ako at hihingi ng pabor. Kasi wala, no one in Catanduanes or even in the Supreme Court, and other courts na tatawagan ako na hihingi ng pabor, until you came Atty. Isidoro” paglalahad ni Contreras.

Sinabi rin nito na sa unang pagkakataon pa lang na nag-order siya show cause order laban kay Isidoro ay nangangamba na ito sa magiging takbo ng kaso.

“The moment that I ordered at there to Virac, I’m sure aware kayo mga taga-NBI, inorderan ko siya ng show cause order. Because this Atty. Tabbu filed the urgent motion to keep Atty. Isidoro in the custody of NBI, na-mention niya na doon na March 20 pa nag-surrender, ang sabi naka-custody siya sa NBI. Ang sagot ko, I cannot act on the motion because the court has not yet acquired jurisdiction over the person or the accused. Kung sino man ang tao na may custody sa kanya, alam na kapag may issuance of warrant of arrest, i-return man ang warrant of arrest kasama ‘yung tao, that’s very basic. Except kung ‘yung tao nag-post ng bond somewhere else, ang ipapadala sa court papers na lang. But this is a non-bailable offense, so, hindi pwede na ang dalhin lang sa akin ‘yung mga papeles, which was done, kung sino ‘yung nag-return kasama ang booking, kasama ang pictures ni Atty. Isidoro. Is that allowed, is that admitted? Hindi naman puwede iyon. Because of that information, I ordered to bring him to the court immediately,” dagdag pa ni Contreras.

Kaugnay nito, pabirong sinabi ng huwes na may apat (4) na taon at siyam (9) na buwan na lamang sya sa serbisyo bago mag-retiro at gusto umano nitong ma-enjoy ang milyong pisong pension na kanyang pinagpaguran. Tinuran din nito na trabaho lamang umano ang kanyang pakay at ang pagsunod sa batas at rules of court.

“Kaya Atty. Eric, huwag mo ako sa likod tirahin, sana huwag naman dahil ako ay gumagawa lamang ng trabaho ko. Kawawa naman ng pamilya ko kung ako ang pupunteryahin sa shabu lab na iyan, so, sana, Atty. Eric, ako diretsahan ako. Alam mo na marami akong alam. Ipinaliwanag ko an sa’yo kung ano ang dahilan ko kung bakit dineny ko, dahil ayaw kong madudungisan ang pangalan ko sa pagtrabaho ko digdi sa Catanduanes. Sana man dai ako mawara sa kinab-an na dai ko pa oras. Hopefully, you might not do it but others will do it for you. From now on, pag may nangyari sa buhay ko, tungkol ito dito sa kasong ito, Atty. Isidoro” Emosyonal na pahayag ng Huwes.

“Gusto ko patas lang, mas mabuti ang gumagawa ng tama kahit saan ka humarap, tama ka pa rin. Kahit Diyos na lang ang kinakapitan ng ginagawa ko, tama pa rin ang ginagawa ko. I can look into your eyes directly, alam kong wala akong ginagawang mali ditto,”pagtatapos ng Huwes.

Advertisement