Naging mainit ang usapin hinggil sa killing sa dalawang teachers sa lalawigan ng Catanduanes. Ang sabi tuloy ng ilang okattokat, nakakatakot na tuloy silang maging teacher? hikhikhikhik!
Anaway, para sa akin, isolated lang yan, nagkataon lang siguro, subalit, datapwat, magkaganunpaman, ingat-ingat lang pag may time dahil talagang hindi tayo ligtas sakaling di rin tayo gumagawa ng paraan para maiwasan ang mga masasamang elemento sa ating bayan.
Sa kaso ng namayapang Donn Carlos Bagadiong, meron ng suspek na nahuli ang PNP Virac at malaking accomplishment ito dahil mabilis na nahuli samantalang kay Madam lotlot o Mel Rose Baloloy y Trilles sa bayan ng Caramoran, tila malabo pa sa tuba ang naaaninag ng mga awtoridad.
Sa Virac, medyo mabilis dahil hindi takot magsalita sa media ang Virac PNP sa pangunguna ni Acting Chief of Police Billy Timuat maging tagapagsalita nito samantalang sa bayan ng Caramoran, sobrang takot sa interview. Mantakin mong noong Friday, sampung beses tumawag sa hotline nila si SM Ferdz, wala man lang sumagot? Hotline ba talaga yon o coldline? Hikhikhikhik!
Calling the attention of PD Abay, tama ba ang mga empleyadong nakuha mo sa bayan ng Caramoran? Tila yata nagkamali kayo sa mga tauhan mong bingi sa tunog ng cellphone? Hikhikhik! Ang masaklap pa, sinabi na pala ni Mayor Glenda kung bakit hindi magpa-interview sa media, ang sagot ng Chief of Police Na si Miraflor, nasa imbestigasyon pa umano sila? Hikhikhik! Eh di sabihin mong nasa imbestigasyon ka pa!, Mahirap bang sabihin yon Mr. Miraflor?
Kung sabagay, tapos pa lang ang todos los santos, siguro merong mga pobia sa mga kaluluwa ang mga officer of the day ng Caramoran PNP. Kung ganun lang naman katakot sa tawag ng media ang Caramoran PNP, eh papano pa kung tatawagan sila ng mga kriminal?
Buti nga, merong kayong mayor Glenda Aguilar na hindi takot sumagot sa mga panayam ng media. SI alkalde lamang ang tanging nagbibigay ng update sa kaganapan sa Caramoran. Kung ganito katakot ang mga miyembro ng PNP sa Caramoran, eh mag-isep-esep si PD Abay, maling tao ang pinagkatiwalaan niyo para tugunan ang problema ng naturang bayan.
Sa kabilang dako, maganda rin ang epekto kung nai-dadrumbeat ang mga insidente para aware ang tao at madaling matuntun ang mga salarin.
Kaya’t hindi ako magtataka kung matagal mabigyan ng solusyon ang kaso sa Caramoran dahil okatotakot ang COP ninyo dyan. Ano nga ba ang ikakatakot niyo kung sa pagsasalita, eh sasabihin mo lang ang mga dapat at ang mga hindi dapat banggitin?
*************
Sa kabilang dako, sana mapag-aralan ng maigi ng PNP Virac ang pagsasampa ng kaso sa suspek na si Manuel Jose Omigan dahil baka magkaroon tayo ng technicalities lalo na ang ginawang pag-aresto laban sa suspek sa loob ng PNP Station matapos na magtungo ang suspek sa himpilan para sa question and answer. Baka naman masayang lang sakaling hindi maging solido ang pagsasampa ng kaso at maging ang proseso.
************
Umaabot na pala sa 9 mga barangay sa bayan ng Virac ang certified drug cleared na. Ang tanong, sure ba talaga na wala ng droga sa naturang mga lugar? Kung sure, eh di wow! Hikhikhik! Kaya nga lamang, howabout sakaling meron na namang bumalik na eksena ng bilihan sa naturang mga lugar? Ang tanong babawiin ba ulit?
Sa kabilang dako, 50% na umano ang nag-aply para maideklarang drug cleared ang mga barangay sa Virac. Ayon kay Acting Chief of Police Billy Timuat, malaki umano ang pagsisikap ng mga barangay officials upang maideklara ang kanilang mga lugar, subalit mahaba umanong proseso ito.
Samantala, tila, mahihirapan naman umano ang Palta Small na maging drug cleared dahil sa shabu laboratory na isa sa mga requirements na dapat walang laboratory ng droga sa isang barangay.
Kaya nga lamang, tila mahihirapan din ang barangay San Isidro Village na maging drug cleared, dahil ang balita ko marami umanong tindahan ng droga sa naturang lugar? Ang sinasabi kong tindahan, yong mga pharmacy hikhikhik! Di ba marami silang droga diyan? Kaya nga lamang legal drugs..hikhikhikhik!
**************