Bato, Catanduanes- Mariing pinabulaanan ni Vice Mayor Roy Regalado ng bayang ito ang lumabas na impormasyon na missing in action siya at si Mayor Juan Rodulfo, Jr. sa kasagsagan ng bagyong Tisoy.

            Tinawag ng bise alkalde na fake news ang naturang impormasyon hinggil sa issue ng sabong. Hindi  umano totoo na nagsasabong siya at hindi rin totoo nasa Legaspi City rin siya sa mga oras na iyon. Dagdag  ng opisyal nandito umano siya sa isla at nagtratrabaho ng maayos para sa mga Batonhon.

            Sa reklamong ipinaabot ng ilang residente ng Batalay, sinabi ni Ruel Templonuevo na nagtungo umano ang kanilang mga  kabarangay sa munisipyo para humingi ng tulong noong hapon bago ang bagyo at matapos ang bagyo para maki-charge, subalit wala umanong nag-entertain sa kanila.

            Aniya, maging ang relief operation matapos ang bagyo ay basta lamang umanong ibinagsak sa plaza at hindi man lang inintriga sa konseho ng barangay para sa distribution. Nalaman na lamang umanong ng konseho na merong umabot, kung kaya kusang ibinigay na lamang ito sa mga residente.       

            Samantala, dinipensahan naman ng ilang empleyado ang dalawang opisyal at sila umano mismo ang makakapagpapatunay na nasa isla ang dalawang opisyal bago ang bagyo maging matapos ang kalamidad. Karamihan umano sa kanila ay nakasama ang dalawang opisyal sa mga oras na iyon at may konkretong ibedensiya rin sila sa bagay na ito.

            Sa isyu hinggil sa selected relief distribution, sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) Chief Donna Tejada na mali umano ang impormasyon hindi balanse ang kanilang  pamimigay ng relief goods, partikular sa Brgy. Batalay.

            Ayon kay Tejada,  binabase lamang umano nila ang distribution sa  ibinigay na listahan ng mga barangay officials. Tinitiyak niya umanong balanse ang pamimigay ng relief goods maging sa iba pang mga lugar sa naturang bayan.

            Sa koordinasyon at pananaliksik ng pahayagang ito, makikita sa facebook page ng LGU Bato na “I Love Bato”  noong Disyembre 3, dakong alas 11 ng umaga merong larawan sina Mayor Rodulfo at Bise alkalde Regalado na namamahala sa pagkarga ng mga relief goods na dadalhin sa mga evacuation centers. Disyembre 1 din merong larawang tumutulong ang alkalde sa paglagay ng typhoon guard sa kanyang tanggapan. Nobyembre 27 at 28 nang tumanggap ng award si Mayor Rodulfo sa lungsod ng Legazpi bilang “Child Friendly Municipality” . Maging ang PNP Bato ay kinumpirma na nasa bayan ng Bato ang alkalde noong kasagsagan ng bagyo.

            Dahil sa naturang impormasyon, nagpalabas ng statement ang tanggapan ng alkalde sa pamamagitan ng FB account na “I love Bato at dito nililaw ang kanyang panig.

             “Pasabot tabi sa mga taga Bato- Sa kasagsagan kan kalamidad ni bagyong tisoy, habang kita gabos nangandam kung painano ta protektahan ang satong mga harong siring man ang pobreng Mayor ning Bato husay man ning pag engineer kan munisipyo nganing sa may banda ning terrace dai mauyag ang salamin na pinto kaini”, bahagi ng pahayag sa facebook.

            “Ngata daw ta kaipohan pang i fake news?ini na tabi ang ebidensya para sa maaraman kan gabos-bako man mag epal ang kaipohan ta, alagad napwersa na mag post kaini para maaraman ning mga kahimanwa ta na dai tabi ning katotohanan ang piga sabi na wara si Mayor Johnny at Vice Mayor Roy sa satong banwa sa panahon ning kalamidad. Sana tabi, ang NEWS AND INFORMATION CENTER sa account ni ROBERT.ALAURIN TAVERA mabasa ini tanganing masabotan nya na FAKE NEWS ang piga balita nya-siring man sa mga ga share-baad gusto nyo pa ning dakul na ebidensya???? Ngonian pig delete mo na ang fake news mo? pauso ka kaya ning SANA ALL AROG KI MAYOR JOHNNY!, bahagi pa ng pahayag ng alkalde sa kanyang FB account.

            Samantala, humingi naman ng paumanhin si Roberto Alaurin na siyang administrator ng facebook account na news and information center hinggil sa post kaugnay ng naturang report. Ayon sa kanya, sumbong lamang umano ito sa kanya mula sa mga residente na naghihimutok dahil hindi nabigyan kaagad ng relief o hindi nabigyan ng atensyon ng lokal na pamahalaanhinaing ng mga residente . (Ulat ni Joseph Tanteo)

Advertisement