Isang bombshell ang pinakawalan ng shabu lab witness at ang naging pagsasampa ng kaso ng PNP Catanduanes laban sa dating solon na si Atty. Cesar Vergara Sarmiento.

May dagdag na tunog ang naging tono ngayon ng testimonya ni Ginoong Ernesto Tabor at ang ikinakanta ngayon ay ang dating solon maliban kay Atty. Eric Isidoro na una ng naikulang dahil sa naturang kaso..hikhikhikhik!

Maraming nagtatanong, ito bay legit, ito bay diversionary o talaga namang merong sapat na batayan? Hanga tayo sa tikas at lakas ng loob ni Tabor at kung totoo ang kanyang mga alegasyon, aba eh, masasabi nating siya ang ultimate hero ng Shabu lab at sakaling semplang, eh baka tawagin siyang ultimate shabu fakemen..hikhikhikhik!

Anyway, matibay at solidong ebidensya ang kailangan niya para tumbahin si CS na isang abugado rin. Dahil sa connection at dating position ni CS, maraming makukuha siyang ultimate defender at dekampanilyang abugado sa korte at baka ilang minuto lamang totally damage na ang kanyang testimonya…hikhikhik!

Sa kabila nito, kung may malawak at solidong  basehan naman si Tabor, eh, kahit gaano katindi ng magiging tagapagtanggol ni CS, yayariin yan ng simple at low profile na testigo..hikhikhikhik! Hindi kailangan ng magaling na abugado sa totoong testimonya.

Wala pa tayong konkretong ideya, subalit, isa sa mga sinabi ng testigo noong media briefing nina Provincial Director  Paul Abay at Chief of Police Bon Billy Timuat, merong perang tinanggap si CS na mismong si Tabor ang kasali sa transaction, kung saan umaabot umano sa 20 milyon ang sinasabing halaga? hikhikhkhik!

Very suprising ito lalo na sa mga tagasuporta ng dating solon. Dadaan pa ito sa proseso sa pamamagitan ng Prosecution’s Office para madetermina kung merong probabale cause at kung itoy tatanggapin ng korte.

Kung maalala, nagkaroon pa ng committee hearing ang Committee on Dangerous Drug sa CSU maging sa kongreso at maraming ang nakaladkad na pangalan sa naturang kaso.

Ito ang samut saring katanungan mga kaperyodiko dahil sa panibagong pasabog ng star witness. Ano nga ba ang saysay ng isinagawang house inquiry ni CS sa shabu lab  kung siya mismo pala ay merong partisipasyon?

Mismong siya rin ang nagdala ng mga personalidad mula sa kongreso sa pangunguna ni Cong. Ace Babers at depuntong Rodel Batocabe at iba pang kongresista para dinggin ang super hot potato na kontrobersiya. Dininig ng committee ang issue sa hanggang mapatawag ang mga personalidad na naging bahagi sa search warrant at marami pang iba pang issue.

Noong nakalipas na election, una ng kumanta pala itong si Ginoong Tabor upang isangkot si Cong CS, subalit mabilis namang pinabulaanan. Tama ang naging decision ng PNP na tuluyan ng kasuhan ang mga isinasangkot ni Tabor para once and for all, pormal ng matuldukan at magkaalaman na kung sino ang totoo o kung sino ang peke..hikhikhikhik!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.