Virac, Catanduanes – Balik operasyon na ang Cebu Pacific sa lalawigan ng Catanduanes matapos ang ilang buwang nasuspende ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Una nang napabalitang, simula Hulyo tuloy na sana ang pagbabalik operasyon nito, subalit may mga ikununsiderang requirements ang Provincial Local Government ng Catanduanes.
Kabilang ditto ang mga kinakailangang dolumento mula sa mga sasakay na mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs).
Ayon sa kapitolyo, kinakailangan pa ring sumunod ang mga pasahero sa Standard Health Protocol, tulad pagdaan ng pasahero sa swab o rapid test, pagkuha ng travel authority at pagkakaroon ng medical clearance/certificate.
Bago pa man makasakay ang pasahero sa eroplano, kinakailangan nitong maipakita na dumaan at nagnegatibo ito sa isinagawang sa rapid o swab test.
Kinakialangan ding maipresenta ng pasahero ang lahat ng kinakailangang dokumento tulad ng Travel Authority, Medical Clearance o resulta ng swab o rapid test.
Ang ano mang swab o rapid test result ay patuloy na magiging valid hangga’t ang pasahero ay walang naging exposure sa hinihinalaang positibo sa COVID-19.
Maliban sa dalawang nabanggit, magkakaroon din ng interbyu sa paliparan upang lubos na mapatotohanan ang kanilang prinesentang mga dokumento.
Sa kabilang dako, kapag ang pasahero’y nagpositibo sa isinigawang rapid test, ay hindi makasasakay.
Habang nasa loob naman ng eroplano, kailangang sumunod ng pasahero sa ipatutupad na (1) one seat apart sa in-flight protocol, upang magkaroon ng social distancing.
Pagdating na pagdating naman ng mga pasahero sa Virac Airport, kinakailangan pa rin ng mga ito sumunod sa Standard Health Protocol, tulad ng pagkuha ng temperatura, paghuhugas ng kamay at pag-check sa mga kinakailangang dokumento.
Upang makasiguro namang masusunod ang lahat ng protocol, ang magpapatupad ng mga ito ay ang Philippine Coast Guard (PCG), Provincial Health Office (PHO) at ng Airport Security Personnel.
Habang ang maghahatid naman sa mga pasahero sa kani-kanilang munisipyo ay ang mga nakatalagang opisyal mula sa LGU.
Kung dati hanggang linggo ang biyahe ng eroplano, magiging dalawang araw sa isang linggo lamang ang magiging iskedyul nito, tuwing Miyerkules at Biyernes, alas 7:00 ng umaga ang arrival at aalis ng alas 7:50.