Unti-unti na palang tumatayo ang matagal natutulog na gusali sa bayan ng Caramoran..hikhikhikhik!
Ayon sa ating bubuwit, wala nang atrasan pa ang pagtayo ng naturang gusali matapos ang mahimbing na pagkakatulog dahil sa kontrobersiya sa nakalipas na mga administrasyon.
Sa mga nauna kasing administrasyon lampas langit ang mga pangarap kaya’t napurnada dahil lampas langit din ang perang dapat ilaan. Unang administrasyon, lampas 80 milyon, ikalawang administrasyon umabot sa 69 milyon at ngayon sa panahon ni Mayor Glenda Aguilar, halos kalahati lang 37 milyon only?
Ang tanong, ano ang pagkakaiba ng disenyo ng naturang mga gusali dahil magkakaiba ang halaga? Meron din naman palang mababa, bakit ang titingkad ng kulay ng pera yong inisip ng iba?
Banggit ng isang malikot ang utak, kailangan pa bang imimorize yan? Hikhikhikhikhik! Pagmataas ang halaga, mataas din ang kita, pagmababa ang halaga, mababa rin ang kita. Kaya’t bukas makalawa, tayo parin ang magkikita-kita..hikhikhikhik! Sobra namang likot ng esep neto..hikhikhikhikhik!
Ayon sa ating bubuwit, yong mga plano noon, merong helepad at meron din umanong nagplano na dapat maging white house..hikhikhikhik!
Dahil sa titingkad na mga pangarap kung kaya’t hindi magkasundo sa disenyo, kaya’t napurnada..hikhikhikhik! Gold na, naging bato pa..hikhikhikhik!
Ang tanong, kung 37 milyon lamang ang budget, ilang taon lang ba ang itatagal ng naturang gusali? Baka naman, sakaling bumaba na sa pwesto ang alkalde wala na rin ang gusali? Hikhikhikhikhik!
Kung ganito ang amount medyo malaking tipid sa panig ng LGU dahil hindi mababaon sa utang ang naturang bayan. Ang gusali na dapat inuna ng nakalipas na mga adminsitrasyon ay tila napabayaan samantalang ito ang kanilang tahanan.
Isang malaking legacy ito ni mayor Glenda Aguilar kung magkaganun. Kaya nga lamang, dapat aregalo ang proyekto dahil sakaling palpak ang patrabaho, ang career niya ang delikado dito.
Bilib din naman tayo sa bayan ng Caramoran, matagal na itong hinahawakan ng mga magaganda at matatapang na mga kababaihan. Sila ang mga tinaguriang “ The Power Pop Girls .. hikhikhikhik!
Kung maalala, kasama sa mga naging alkalde rito ay sina Mayors, Idanan, Tess Qua, Agnes Popa, Salvacion Isuela at ngayon Mayor Glenda Aguilar.
Sa mga taga Caramoran, ano ang rating niyo sa naturang mga babaeng alkalde?
*******