Virac, Catanduanes – Pansamantalang ipinagpaliban muna ang pagdinig sa panukalang ipangalan sa Virac ang Imelda Boulevard.
Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Konsehal Rosie Olarte ng Sangguniang Bayan ng Virac, para hindi umano maapektuhan ang pondo sa isinasagawang continuing projects sa naturang lugar, mas maigi munang isagawa ang pagdinig sa panukala matapos maipatupad na ang proyekto.
Sa isasagawang pagdinig sa mga susunod na arawm nais imbitahan ng opisyal ang mga tourism offiials maging mga guro at historian upang maging komprehensibo ang magiging panukala.
Unang ng iminungkahi ni Olarte na pangalanan itong “Virac Boulevard” na sumasakop mula sa kahabaan ng barangay Concepcion hanggang sa Brgy. Francia.
Ayon sa kanya, kung meron umanong mas magandang suwestyon maliban sa Virac Boulevard, mas maganda umanong maisuwestyon ito at pag-aralan upang maging angkop sa lugar.
Marami rin umanong pwedeng paggamitan ng naturang lugar. Maituturing umanong isa itong tourism sites sa bayan ng Virac dahil paborito itong pasyalan hindi lamang ng mga kabataan maging ibang mga personalidad.
Pwede rin umano itong maging bahagi ng trade and commerce, kagaya ng night market at iba pang mahahalagang aktibidad na magkakaroon ng income generation sa lokal na pamahalaan maging sa mga maliliit na negosyante sakaling matapos na ang pandemya.