Virac, Catanduanes – Sa pagbisita ni Regional Director Rodel P. Tornilla ng Department of Agriculture (DA), R-5 noong Hulyo 6, 2021 dala nito ang dalawang state-of-the-art farm machineries—4-wheel drive tractor & combine harvester  sa Catanduanes State University (CatSu)

            Malugod itong tinanggap bagong pangulo na si Dr. Patrick Alain T. Azanza sa presensya ng bago nyang hinirang na vice presidents, deans, directors, chiefs/heads of various departments and colleges.

               Ginanap ang turn- over ceremony sa administration building lobby matapos mabasbasan ni Rev. Fr. Eric John T. Rojas, Asst. Chancellor ng Diocese of Virac ang nasambit na makinaryang pang-agrikultura.  

            Dumalo sa naturang aktibidad sina TGP Partylist Rep. Jose Joson Teves Jr at kanyang dalawang staff na sina Ms. Alma T. Villanueva at PB Cesar Angeles; Ms. Camille Gianan, chief of staff ni Cong. Hector S. Sanchez  at  Provincial Administrator Lemuel A. Surtida bilang kinatawan ni Gov. Joseph C. Cua.

            Sa kanyang mensahe pinasalamatan ni TGP Partylist Rep. Jose J. Teves Jr sina Regional Director Tornilla at ibang personalities na tumulong para matanggap ang naturang donasyon ng CatSU.

            Ayon kay Cong, Teves ang naturang mga makinarya ay galing sa kanyang pagpupursige sa kongreso kasama si Cong. Hector S. Sanchez at ito’y pinadaan sa Department of Agriculture through DA Secretary William Dar at DAR-5 Regional Executive Director Rodel P. Tornilla.

            Bilang kasagutan sa hiling ni President Azanza nangako si Cong. Teves na bibigyan din ng nasabing makinarya pang-agrikultura ang CatSU-Panganiban Campus.

            Sa mensaheng binasa ni Ms. Camille Gianan, chief of staff ng Congressional District Office, SP building, ganito ang mahalagang sinabi ni Cong. Hector S. Sanchez: “Food security is national security. Many experts and organizations, including the United Nations, believe that without food security, any country’s peace and order would be made vulnerable from within.” “Nakikita natin ito sa mga riot na naganap sa ibang bansa at dito sa Pilipinas noong Abril 2020 sa Quezon City.

            Mariing sinabi ng mambabatas na hindi puwedeng maiwan ang mga ito sa nayon, at hindi rin umano pu-puwede na matutulog na lamang ang mga nasa poder habang nangangailangan ng ayuda o pagkalinga ang mga mamamayan.

            Samantala ito naman ang mensaheng ipinaabot ni Gov. Joseph C. Cua na binasa ni Provincial administrator Lemuel A. Surtida:

            “I would like to start by extending my sincerest gratitude to DA Regional Field Office 5 for his magnanimous gesture of goodwill to the Catanduanes State University. Naniniwala ako na ang 4-wheel drive tractor at ang combine harvester na inihandog ninyo ay hindi lamang para sa unibersidad, para rin ito sa ating mga magsasaka na malaki ang papel sa agricultura at ekonomiya,”ayon sa gobernador.

            Pinasalamatan ng gobernador sina Congressmen Sanchez at Teves dahil sa walang humpay na pagsisikap ng mga eto upang mabigyan ang unibersidad ng panibagong behikulong gagamitin ng mga magsasaka upang mapalago ang kanilang buhay at ating agricultura. Pinasalamatan din ni Cua sina DA Secretary William Dar at DA-R-5 RD Rodel P. Tornilla for “graciously sponsoring the aforementioned equipment”.

            Lastly, Gov. Cua pledged the provincial government’s utmost support to CatSU’s research and development programs and projects, especially those geared towards the best interest of the Catandunganons. Mananatiling bukas ang aming palad sa anumang proyekto na ang pangunahing prayoridad ay ang pag-unlad ng ating probinsya”pagtatapos ng gobernador.

Advertisement