Maganda pala at meron sa islang kayganda ng Malasakit Center. Ayon sa ilan, maganda ang maitutulong nito sa mga taong lubhang nangangailangan lalo na kung merong confinement.
Sila ang mga tinatawag na Malas na nga may sakit pa, kaya’t hulog ng langit ang Malasakit Center ni Senador Bong Go sa islang kayganda.
Kung ma-sasaturate ng Malasakit Center ang buong Pilipinas, lubhang sisikat at babango pang masyado ang gwapong pangalan ni Senador Go. Nitong nakalipas na buwan siya ang isa sa napipisil ng PDP-Laban na ilalaban sa darating na presidential election kapartner ang kanyang matagal ng pinagsisilbihang si Tatay Digs.
Ang tanong Swerte kaya o Malas at sakit sa ulo itong kanyang proyektong center? Hikhikhikhik! Ano kaya kung baguhin ang pangalan at gawing Malaswerte Center..hikhikhik!
*********
Marami ang nagtatanong kung bakit tila walang imik si senador Bong Go sa ginawang hearing sa senado lalo na nang gisahin ang mga taga DOH at ang kanyang kaibigang si Secretary Frank Duque..hikhikhik!
Ang senador kasi ang committee chair ng health committee, kaya’t medyo sasakit ang ulo niya kung merong mga semplang na diskarte sa DOH at baka makasabay pa ang kanyang Malasakit Center sa DOH..hikhikhikhik!
Iniuugnay din sa senador ang isang Lloyd Christopher Lao na dating taga DBM at dating undersecretary sa office of Special Assistant to the president na nagsupply di umano ng mga covid supplies sa DOH..hikhikhikhik!
Anyway, hindi naman malinaw ang lahat kasi dapat pa umanong sumagot ang DOH sa findings ng COA kaya’t hindi masyadong atat ang mga attackers at yong mga kritiko ni Senador Bong Go.
Isa sa mga kinukuwestyon ng mga senador sa finding ng COA laban sa DOH ay ang mga face shields at facemasks na masyado umanong overprice. Ang face shield ay nabili umano ng 175 pesos at masyado umanong bloated ang presyo, samantalang ang face mask nabili sa mataas ding halaga…hihikhhikhik!
In fairness, kung nabili ang mga produkto noong unang arangkada ng covid virus talagang hindi malayo sa ganong mga presyo dahil limited ang supplies. Ngayon kasi medyo nakakabwelo na at marami ng supplies kaya’t halos 10 pesos na lamang ang mask at 15 pesos nalang ang face shields.
Medyo malaki talaga naman ang presyo ng 175 kaysa 15 pesos lang. Eh baka naman merong kasamang bronze ang faceshield kaya’t mahal.hikhikhikhikhik! Iyan ang tinatawag na malasakit na merong pagmamahal..hikhikhikhik!
Giving the benefit of the doubt, hintayin din nating maipaliwanag ang lahat kasi dahil sa inconvenience at hindi normal ang sitwasyon this time, tila marami talaga ang magiging creative sa procurements. Kaya nga lamang, much better, sundin ang standard process at all times para hindi MASITA ng COA.hikhikhikhik!
Pero, buti nga’t nagmamahalan ang mga faceshield at face mask noong kaysa ngayon eh nagmumurahan lalo na kung masyadong galit si tatay Digs..hikhihikhik!
Ang tanong naman dyan, totoo nga, vanguard of the people ang COA, eh sino ba ang nag-aaudit sa COA? Hikhikhikhik! Sino ang taga tingin ng mali ng iba, how about ang kanilang mali? Remember sa mga nagtuturo ng ibang tao eh, tingnan mo kasi tatlong daliri ang nakaturo sa may busilak na kaisipan at ayaw sa gulo? Hikhikhikhik!
Meron nga akong alam na isang taga COA, noong binibigyan siya ng bonus ng isang ahensya, ala kibo, pero noong hindi na naisama sa bonus, saka kumibo at isinama niya sa audit yong dating biyaya sa kanya…hikhikhikhik! There goes the rubbing alcohol..hikhikhikhik!
**********
Napapansin ko lang, ito kaya yong sinasabi ng boksyador na si Manny Pacman na mga anomalies at corruption na triple pa kaysa sa Pinoy administration? Hikhikhikhik!
Minsan na rin nagsabi si dating senator Antonio Trillanes ng kaparehong impormasyon na malawakan ang kurapsyon maging sa PPE o mga covid supplies pinagkakakitaan pa ng ilang asungot? hikhikhikhik!
Tila nga, tama si Tatay Digs na mahirap puksain ang korapsyon sa pamahalaan. Iyan talaga ang realidad, kaya’t kung minsan sa campaign promises lang talaga nagiging maganda at mabango ang pangalan ng mga pulitikos at kapag nasa pwesto na, tila nag-iiba ang sistema. If you cannot beat them, better join them and enjoy the fandesal..hikhikhikhik!
**********
Scam o scheme ba talaga ang nangyari sa bayan ng Panganiban? Marami pala ang nadenggoy sa isang pyramiding scheme na ngayon ay iniimbestigahan na ng NBI. Mantakin mong maging ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay napasali at ngayon sumablay..hikhikhikhik!
Meron di umanong promises na libong pisong pagkakakitaan, subalit tila wala namang nangyayari at nagkautang-utang pa ang iba para mag-invest. In fairness, meron din naman umanong bumalik kaya’t happy yong ibang bumalik ang puhunan at kumita pa..hikhikhikhik! Kaya’t kitang kita ang kuta..hikhikhik!