Sa hinaba-haba man ng prusisyon sa halalan din ang tuloy..hikhikhikhik! Nag-aalimpuyo na ngayon ang init sa magdamag sa pagitan ng Senado at Malacanang dahil sa issue hinggil sa PPE.

Ano nga ba ang PPE? Simple lang “Pera-Pera Eh”. Este, Personal Protective Equipments ..hikhikhikhikhik!

Ayon sa ilang senador, marami umanong kumita sa PPE at iba pang mga paraphernalias’ nitong pandemya at tila ang tumiba ang mga malalapit sa kusina na mga alipores ni PDuterte..hikhikhik! Siyempre naman, eh kapag nasa kusina ka, malapit ka sa uling..hikhikhikhik!

Ang mga pangalan umano ay magkakatunog na Chingkit nationals na tila malaki ang naging ambag sa pagkapanalo ng pangulo. Eh, sabi naman ng pangulo, eh natural, dapat magkaroon ka ng utang na loob, kasi sila naman ang mga tumulong saiyo? Ayon sa isang senador, ang isda talaga kadalasang nahuhuli sa bibig..hikhikhikhik!

Eh, tama si PDuterte, eh, mali na nga bang makiparte ang mga malalapit sa pangulo, eh hindi naman kamag-anak. Ang Duterte, Yang at Lao, eh tila malayo naman sa spelling maging sa tunog..hikhikhikhik!

Ang pinagbabawal lamang sa batas na maging parte ng mga government projects and transactions kasali na ang pag-appoint ay ang mga kamag-anak hanggang 3rd degree and consanguinity o ang tinatawag na anti-nepotism..hikhiihikhikhik!

Eh ano naman kaya ang violations kung kaibigan mo? Eh sila naman talaga ang tumulong para manalo ka? Yon naman ang kadalasang nangyayari na kung sino ang mga tumulong saiyo eh dapat ding tulungan mo. Bakit, ilalagay mo ba ang mga oposisyon na naging kalaban mo sa kampanya? Hikhikhikhik!

Ayon sa ilang senador, eh invisible di umano ang mga opisina at historically, tumipa ng bilyong projects samantalang ilang buwan pa lamang nang magbukas ng kompanya at hindi commensurate sa puhunan ang naging kita..hikhikhikhikhik!

Sa bidding kasi, dapat merong, atleast three years o merong glaring na kakayahan na mamuhunan, kasi kung walang kakayahan, ibig sabihin, naging trader lamang siya. Laway lang ang puhunan..hikhikhikhikhik! Namorsiyentuhan lamang at presto, kitang-kitang ang kita..hikhikhikhik!

Abangers tayo sa mga hearings kasi doon natin makikita kung sino talaga ang nasa tama o mali..hikhikhikhik!

Kaya nga, umariba na si Senator Bong Go, kasuhan siya kung talagang tumipak siya kahit singkong doleng kasi kung mapapatunayan, eh, magreresign di umano siya..hikhikhihik!,  Ang tanong, seryuso ba sa kanyang pahayag si Tito Bong? Hikhikhikhik!

***********

Mas lalong uminiit ngayon ang pulitika sa Manilang kayganda dahil malapit na ang paghuhusga sa Mayo 2022.

May napili na ba kayong kombinasyon sa pagkapangulo at pangalawang pangulo?

Pwede niyo sigurong fueng shui muna para makakuha sa bolaang Kristal kung sino ang papalarin..hikhikhikhik!

Tila marami  ang gustong magBise kay Mayor Inday Sara. Dahil dito,  malaki ang posibilidad na lalaki ang ulo ng alkalde at lalambot ang kanyang puso  at tataba ang kanyang nguso kung ganitong pinag-aagawan kang maging katandem..hikhikhikhik!

Parang love team lamang sa teleserye at pelikula na maraming gustong maging leading man..hikhikhikhik! Meaning, maraming nakapila, patok sa takilya at blockbuster ang dating..hikhikhikhik!

Good combination ang SaGo (Sara Bong Go), Pwedeng ring SaraBong (Sara Bongbong), Sagara (Sara-Angara), Sara Gatialian (SaGa), Sara-Gibo (SaBo or SaGi), Sara-Martin Romualdez (SaMar).

Siyempre, hindi patitinag sina Senators, Ping Lacson at Tito Sotto, (PISOT) ..hikhikhik! Ano naman kaya ang kombinasyon na gusto niyo kay Leni? Pwede rin sigurong subukan ang Leni-Trillanes (Letri), Leni-Isko (Lenisko), Leni-Pacman (LePac) hikhikhik! Pero, mas magandang makatandem ni VP Leni  si Congressman Baguilat para maging LEBag, maraming makaka-relate kasi maraming hindi naliligo..hikhikhikhik!

Kaya nga lamang, sakaling maraming lumabas na kontrobersiya sa Duterte administration, ang tanong, tutuloy pa kaya si Aling Sara o tuluyan ng siyang maging evaporada? Eh kung maraming magiging bahid sa pangalan ng kanyang ama, eh tila madadamay ang kanyang pangalan..hikhikhik!

Pero, ayon daw sa survey sa 1,500 na tao, sila at  ng kanyang ama ang preferred by majority ng 1,500..hikhikhikhik! Kaya’t lumalabas ang Daughterte-Duterte sa Mayo 2022.. Pasok ba o lasog? hikhikhik!

Ayon naman kay Senator Lacson, chilac laang kasi ang 1,500 ay hindi naman kumakatawan sa kalingkingan ng buong Pinas dahil  merong mahigit 60 milyong botante ngayong 2022..hikhikhik

*************

Sa lalawigan ng Catanduanes, nagiging malinaw na ang pormahan blues sa mga tatakbo bilang kongresista at gobernador.

Ayon sa ating bubuwit, 90% na umanong decided na si Jardin Brian Wong para makipagkarerahan sa incumbent na si  Gobernador Joseph Cua. Ito ang labanan ng JC vs JB!, Edi wow, isa itong exciting panoorin kung papano ang magiging labannan ng Goliath at David..hikhikhik!

Ang tanong, rewind ba ito ng  scenario noong 2016 ? Kung saan pinataob ng nanay ni JB na si  si Manay Cely si JC? Ito ang dapat tingnan at ikunsidera ni JC para maitawid ang 3rd termer post. Ito kasi ang tinatawag na Malasterm terleserye sa islang kayganda..hikhikhik Kapag 3rd termer daw ng gobernador, tila merong sumpa..hikhikhik!

Chilax sa bagay na ito si JC dahil, maliban sa kanya ang makinarya ng pamahalaan, tila maintain umano ang database build up nito down to the grass roots, kaya’t  kampante umano ang magiging kapalaran sa halalan..hikhikhikhik! Ang tanong, secured ba ang database,wag lang baka hack..hikhikhik!

Ano kaya ang magiging mahika rito ni JB para pataubin ng mga Wong si  JC? Ayon kasi sa Feng shui, kapag 3rd term, tila mahirap umano ang nagiging laban. Ayon sa ating bubuwit, ilang gobernador na ang nagtangka na malagpasan ang jinks sa “malas term”, talagang wa epek..hikhihik! Masusuma kaya ito ni JC this time?

That’s remain to be seen!

Kita Kitzz kaperyodiko!

Advertisement