Matapos mapag-alaman na hindi kabilang ang ilang tourist spots sa Catanduanes sa DOT website, pinuna ni Congressman Hector S. Sanchez ang Department of Tourism (DOT) hinggil sa kakulangan ng impormasyon hinggil sa mga tourism sites sa lalawigan.
Sa hearing noong Setyembre 3, 2021 ng Committee on Appropriation para sa Budget Briefing ng DOT, iginiit ng kongresista na marami pa ang maiaalok ng probinsya para sa mga turista bukod sa Puraran Surfing, na siyang tanging nakasaad sa philippines.travel website ng nasabing ahensiya.
Aniya, hindi nito mahihikayat ang mga turista na dumayo sa lalawigan dahil sa kakulangan nito ng impormasyon. β βThat is a grave injustice to the province of Catanduanes because there is so much more to see and do in my province,β sabi ni Cong. Hec, paglalahad ng opisyal.
β Maliban sa dive sites, marami rin ng tourist venues at delicacies ang kayang mai-offer ng Catanduanes sa mga turista, kailangan lamang nito ng sapat na suporta at promosyon. So, I really hope that DOT rectify the error or injustice done to Catanduanes,β dagdag pa ng kongresista.
Kaugnay nito, hiniling ng kongresista na magsagawa ng tourism mapping ang DOT upang matukoy ang mga lugar na maaaring dagsain ng mga turista at nang maidagdag ito sa kanilang website.
Samantala, humingi naman ng paumanhin si DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa kongresista at tiniyak ang agarang aksyon ng ahensiya upang matugunan ang pagkukulang nito. (CDO)