Nagpasiklaban ngayon ang mga pulitiko sa typhoon hit provinces and cities sa kabisayaan na grabeng hinagupit ng bagyong si Odette.
Timely, kasi panahon ang pre-campaign, kaya’t malaki ang tulong na maipapamahagi ng mga nasalanta ng bagyo na humabol pa bago magtapos ang taon 2021.
Sa mga gumagawa ng paraan para makatulong lalo na kina Tito Pakyasw at Tita Leni, isang mabiyayang pasko at bagong taon sa kanila, at sa mga pulitikong opokrito kagaya ni Tito Ping, isang manigas na pasko sayo dahil tila pangbabatikos pa ang napala ng mga tumutulong..hikhikhikhik!
Sa halip na makipagsabayan, cheap di umano ang mga nanawagan pa sa social media para akayin ang mga katulad niyang kumakandidato..hikhikhikhik!
Tito Ping naman, di ba nagbabayad nga kayo sa mga media outlets para ipangalandakan ang mga plano niyo para kayoy botohan subalit, isa umano itong lowly form of campaign..hikhikhikhikhik!
Tumutulong naman di umano sila Tito Ping kahit walang bagyo, kaya’t huwag umanong gamitin ang kalamidad para magpapansin sa mga bitante..hikhikhikhik!
Tila si Tito Ping ang overacting at walang modo kung ganun..hikhikhikhik!
Nakakalungkot nga lang sa mga tinamaan ng bagyo, dahil kung kelan patapos na ang taon, saka pa binalibag ni Odette ang mumunting mga kabahayan ng mga mahal natin sa buhay sa kabisayaan at northern part ng Mindanao.
Good kasi, maging sila Titong Bong bong at Tita Sara na walang H ay namumudmod rin ng kanilang mga goods para sa mga nasalanta ng bagyo. Naway marami pa ang tumulong dahil naranasan na rin natin noong isang taon ang ganitong unos nang bayuhin tayo ng isang super typhoon na si Rolly. God Bless the Philippines.
***********
Mula sa 10 na minimum, tumaas sa 15 ang magiging pamasahe ng mga tricycle sa Virac batay sa ipinalabas na Executive Order ni Mayor Posoy Sarmiento. Ano ang ibig sabihin nito, tila pinakinggan ng alkalde ang hinaing ng mga tricycle drivers sa bayan ng Virac na sinasabing lugi umano sila sa kanilang pagpasada dahil sa 10 pesos?
Ang problema sa ating mga tricycle driver, ang gusto nila sila lang ang mabuhay at ang mga commuters ang magtiis sa mahal na pasahe. Ang gusto kasi nila ang kasabihang one day millionaire? Ang gusto nila, isang biyahe laang, yari na ang boundary nila…hikhikhikhik!
Kung ganito ang kanilang mga kagustuhan, sige, taasan pa dapat ng alkalde ang kinse at gawin niyo nalang na 250 bawat biyahe, kagaya diyan sa San Andres at Bato na masyadong dollar ang pasahe papuntang Virac.
Nasaan kaya ang riding public at tila hindi nakokonsulta? Kung walang pasahero, sure na wala silang kikitaan. Sila itong kailangan ang pasahero para may makain ang pamilya pero, tila pinapahirapan nila at ang gusto lang nila sila ang masusunod, ni kesyo, marami daw kasi ang tricy, ni kesyo marami daw ang kolurom, samantalang sila itong galing din sa pagiging kolurom pero pinag-iinitan pa ang mga kolurom na nais din mabuhay..hikhikhikhik!
Ang problema ng ilang tricycle driver ay ang kanilang pagiging one day millionaire attitude. Marami diyan kapag binigyan mo, tila dadrama pa na walang pangsukli kaya’t TY na laang pasahero.
Kung hindi kayo tumino, sure na mamumulubi ang mga pamilya ng mga mapagsamantalang driver. Sila ang tinatawag na tuso at walang puso. Hindi rin nila iniisip ang mga naghihirap na riding public at hindi nila alam na ang mga nagko-commute yaong mga pasaherong nasa laylayan kasi ang medyo nakaka-angat sa buhay ay naka-tsekot..hikhikhikhik!
Kung ganito lagi ang ugali ng mga ito, sure, sila rin ang magsisisi sa bandang huli dahil baka lahat na ng tao ay maghuhulugan nalang ng motorsiklo kaysa sumakay sa kanilang dolyar na paSAHE..hikhikhikhik! In fairness, hindi naman lahat, meron din dyan ng mga huwarang drivers.
*********
Ayon sa ating bubuwit, matindi na ang pormahan ng mga pulitiko sa barangay. Halos tapos na ang markahan at listahanan ng kanilang mga galamay down the line para siguruhing done deal na ang susunod na halalan.
Sa pinakahuling impormasyon, merong ng mga terms and conditions sa mga leaders ang ating mga tumatakbo sa mataas na pwesto. Straight voting ang condition sa mga ito at kung hindi umano pumayag ang botante, hindi ito bibigyan ng molahh..hikhikhikhik!
Ganun? Eh, hindi rin ito magandang strategy dahil masyado mong sinasakal ang mgga botante..hikhikhikhik! Kung ganito ang pamamaraan ng kanilang strategy, sure, ngayon pa lamang, matic ng talo kayo pagdating ng halalan. Reform..hikhikhihikhik!
***********
Lahat positibo ang napapakinggan kong impormasyon sa bagong upong pangulo ng Catanduanes State University sa katauhan ni President Patrick Alain Azanza.
Simula ng dumating siya sa CatSU, tila masigla ang mga empleyado at marami ang napromote at napirmanente..hikhikhikhhik
Ang tanong ko lang, bakit hindi ito nagawa ng nakalipas na mga humawak sa naturang paaralan? Tinipid ba ang mga sanmakmak ng pondo para meron silang maideclare ng savings bawat taon at para Malaki ang Christmas bonus? Hikhikhikhik!
Eh, maraming naghihikahus na empleyado, subalit matagal na panahon bago sila nabigyan ng tsansa na maging permanent.
Isang kang hulog ng langit Mr Presidente sa CatSU, bigyan ng jacket yan..hikhihhikhikhik!
Kaya lang, siya lagi ang nais mamigay ng regalo sa mga empleyado..hikhikhikhik! Good Luck Mr. President. Sana hindi ito ang sinasabing pakitang gilas lang at matapos ang mahabang panahon, magiging kagila-gilalas na..hikhikhihik!
KITA KITZ MGA KAPERYODIKO!