Magiging kakaiba at makabuluhan ang kick off rally ni Vice President Leni Robredo sa Martes, Pebredo a-otso sa Camarines Sur. Sa halip na magpunta at magsama-sama ang mga supporters at volunteers sa iisang lugar lamang, si VP Leni ang tutungo at lalapit sa mga tao para magpasalamat sa kanilang pagsuporta sa kanyang kandidatura.

“Iikutin namin ‘yung buong probinsya. Hindi na ito pareho noong dati na may mga malalaking rallies” sabi ni VP Leni. Buong araw ng Martes ay magiikot ni VP Leni sa iba’t-ibang lugar sa probinsya ng Camarines Sur para iprisenta ang kanyang platapormang “Gobyernong tapat, angat buhay lahat”.

Sa bawat lugar na bibisitahin ni VP Leni ay magkakaroon ng mga maigsing programa kasama ang kanyang buong tiket. Ilang mga artista din ang magtatanghal sa mga pocket rallies. “Pinakasadya naman nito ay ang marating namin as many places as possible kasi kung big rally sobrang inconvenient pa sa mga tao na pupunta sila, so ito kami ‘yung pupunta” paliwanag ni VP Leni. Sa Naga City gagawin ang grand rally ni VP Leni.

Nais niyang mapasalamatan ang kanyang mga kababayan na buong puso ang pagsuporta sa kanya. “Laging kahit anong kaguluhan na pinagdadaanan ko, ‘pag nandito ako, nakakalimutan ko ‘yun lahat dahil [I am] among people who love me the most,” sinabi ni VP Leni. “Ang nagma-matter sa lahat na ‘yung mga nakakakilala sa’yo, kung sino ka, na-aapreciate ikaw at hindi nadadala sa mga kasinungalingan na binibigay… Kaya ako nagpapasalamat sa kanila.”

Kinabukasan, ika-9 ng Pebrero naman ay tatlong probinsya ang sa Bicol Region ang iikutin ni VP Leni. Sa umaga, pupuntahan ni VP Leni ang kanyang mga taga-suporta sa Camarines Norte. Sunod na pupuntahan naman ay ang probinsya ng Sorsogon at ang panghuliung probinsya na bibisitahin niya ang Albay.

Para kay VP Leni, hindi importante kung marami o kaunti ang mga botante sa mga lugar na kanyang bibisitahin, ang mahalaga ay maiparating niya ang kanyang mensahe at maiparamdam sa mga tao na mabibigyan sila ng atensyon ng gobyerno. “Kaya ako hindi ko talaga tinitingnan sa numero ng taong boboto pero sa pangangailangan kasi the more na bababa ka sa lugar na mas kailangan, lalo naman silang nabibigyan ng atensyon,” saad ni VP Leni. [End]

Advertisement