Mula Agosto 20 hanggang Setyembre 24, ang DSWD Field Office V ay namahagi ng Educational Assistance sa 41,679 na benepisyaryo.

Ito ay may kabuuang halaga na Php 119,629,000.00 para sa anim na salvo ng distribusyon sa buong rehiyon.

Base sa datos, nasa 8,582 na estudyante ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php 23,208,000.00 noong ika-17 ng Setyembre habang 9,849 na mag-aaral naman ang nakatanggap ng ayuda na nagkakahalaga ng Php 27,079,000.00 noong ika-24 ng Setyembre para sa huling distribusyon.

Dahil sa patuloy na koordinasyon ng iba’t-ibang ahensya kasabay ang mga lokal na pamahalaan, umabot sa 14.76% o 1,267 na benepisyaryo ang itinaas kumpara sa Setyembre 17 na payout.

Ang Educational Assistance na nasa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay layong tulungan ang mga student-in-crisis o mga mag-aaral na nasa krisis o emergency situations. (via DSWD5)

Advertisement