Lumalabas na ang mga pangalan na siyang inaasahang babandera sa darating na halalan sa bayan ng Virac.

Kasama dito ang dating Provincial Administrator Lemuel Surtida, dating kongresman Cesar Sarmiento at ang dalawang dating alkalde.

Kasama sa dalawang alkalde ay si Atty. Posoy Sarmiento at dating alkalde Flerida Alberto o kayat ang kanyang anak na si PBM Ferdinand Alberto.

Pero sa nangyaring paglabas ng decision ng Sandiganbayan sa kaso ni dating alkalde Alberto, malaking hadlang nito kahit anong posisyon ang kanilang posibleng takbuhan dahil legal remedies ang kailangan nilang gawin para maiapela hanggang sa kataas taasan ang kaso.

Isa pang naging matunog na tatakbo ay ang kasalukuyang gobernador na batay sa ating bubuwit, nag transfer na di umano ang karamihan sa kanyang mga kamag-anak sa Virac bilang anticipation para sa naturang mga options.

Sakali kasing maging technical ang usapan hinggil sa posibleng pagtakbo niya bilang gobernador para sa ikaapat na pagkakataon, posibleng sa Virac ito babagsak bilang alkalde. Posibleng maging bise alkalde si Kgd. Surtida.

Sakali ring merong lumabas na malakas na pangalan na lalaban sa pagkagobernador, malaki ang posibilidad na si Vice Governor Peter Boste Cua ang tatambudan bilang goberbador dahil medyo mabango pa ito sa ngayon.

Ayon sa isang political analyst, isa lang naman ang formula para matumba ang Cua politics sa isla. Ito ay kung magsasama-sama ang mga political leaders laban sa kanila, sakaling hind imaging solido mamamayagpag parin ang Cua sa provincial level, kahit sino man sa kanila ang lumaban.

Sa kabila nito, kung susubukan parin ng Cua brothers ang kasalukuyang pwesto na kanilang hinahawakan, baka hindi na ito paborable sa kanila. Tila nababahala kasi ang ilang political leaders maging mga sektors na kung iisang pamilya ang may hawak sa executive at legislative department, tila hindi ito maganda dahil kung mapagbibigyan ng pangalawang pagkakataon, sure na dederetsu ang dynastya hanggang sa mga munisipyo maging sa barangay dahil nakaabang narin ang kanilang mga anak at kapamilya.

Kasama dyan ang Junior na posibleng isaling pusa narin ngayong halalan habang nasa pwesto pa ang mga mentors.

Kung ganito ang magiging setup ng islang kayganda, baka kumilos na ang maraming grupo lalo pa’t nagiging mainit ang issue sa mga Chinese nationals. Kahit naturalized ang Cua brothers, posibleng mabuksan ang ideya na kailangan ng isantabi muna ang ilang mga politikong may lahing Chinese dahil sa issue ng west Philippines sea at Pogo na nagiging mainit ang issue sa ngayon.

Sa nakalipas na mga panahon, lumilipas din ang mga political leaders sa islang kayganda. Alberto’s time na halos tila hawak na ang buong lalawigan maging mga ari-arian sa napakahabang panahon, subalit, biglang naglaho dahil nilabanan ng mga de prinsipyong individuals at sektor. Sumunod ang Verceles group na halos hinawakan ang isla ng dalawang dekada, Santiago halos isang dekada at Sarmiento etc. Lumaho na parang bola ang karamihan sa kanila.

Ayaw ng Catandunganon na masyadong napapako sa iilan lamang na pamilya at politiko, lalo kung may mga namamanatala. Kaya’t walang permanente sa politika sa islang kayganda, remember. Kita kitzz mga kaperyodiko!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.