Marami palang superheroes na inaalagaan sina Mayor Johnny Rodulfo at VM Regalado sa bayan ng Bato..hikhikhkhik! Paborito pala ng alkalde si superman at ang mga frozen na sila Ana,  Elsa at olaf ..hikhikhik!

Ang akala ng ilan bumalik sa pagiging bata ang dalawang mga mucho gwapitong mga opisyal sa bayan ng bato…hikhikhikhik!

Ayon sa alkalde, meron kasi siyang mga super heroes sa kanyang lugar na laging pinupuntahan ng mga bata, kung kaya’t naisipan niyang magpagawa nalang ng mga life size na superheros para maging attraction sa Bato River Park, and the rest is history..hikhikhikhik!

Ayon sa alkalde, umaabot umano sa 300k ang halaga ng mga superheroes na kinagigiliwan ngayon ng mga namamasyal sa parke. No worries umano kasi hindi mawawala ang mga superheroes diyan dahil laging nilalaruan ito ng mga pulis at mga tanod..hikhikhik! Umaabot sa 15 to 30k ang isa ng mga superheroes na ito na sadyang pinagawa pa sa Sorsogon na eksperto sa carving mula sa Maynilang Kaysaya, kaya’t swabe..hikhikhik!

Naaalala ko tuloy yaong mga alaga ni Vice Governor na mga superheroes sa kapitolyo na naging attraction din ng mga bata maging mga isip bata noong siya ang Acting Governor pa. Ang tinatanong ng mga bata, kung nasaan na umano ang mga ito at nawala na sa playground dyan sa kapitolyo?..hikhikhikhik!

Ayon sa aking bubuwit, nilipat na umano sa compound ng SP ni VG kasi request umano ito ng ilang PBM. Pagkatapos umano kasi ng session meron ilang SP members  at staff ay mahilig maglaro ng Barbie, baka makita sa labas..churba..churi…hikhikkhikhik!

**********

Pinag-iisipan pa umano ni PBM Robert Fernandez kung tatakbo bilang bise gobernador o re-elect siya bilang PBM. Pero ayon sa ating bubuwit, malaki umano ang posibilidad na re-elect nalang ito bilang PBM.

Isa kasi si Fernandez sa napipisil na maging kabangga ni VG Abundo sakaling tuluyan ng kumalas si VG sa Tamang Timpla na matagal na palang maalat ang lasa..hikhikhikk!

Ang tanong, sino ang itatapat kay VG? Meron kasing mga agam-agam na posibleng lumipat sa kampo ni JB Wong si Abundo, pero hindi pa umano ngayon luto ang usapan.

*****

Gaano kaya katotoo ang impormasyong posibleng pasukin ni Mayor Boste Cua ang pagiging Bise Gobernador dahil 3rd termer na ito sa pagiging alkalde. Tanging option kasi ng alkalde, magpahinga muna ako (MPA) o tumakbong PBM o di kaya Bise gobernador. May option rin umanong magkaroon sila na switching ng kanyang kapatid na si governor Boboy Cua.

Eh, magiging tamang timpla talaga ang tandem sakaling pangarapin ng alkalde ang pagiging VG.  Ang tanong lamang diyan kung susubukan ba ng Catandunganon ang bagong timpla na magkapatid ang posibleng dalawang opisyal sa kapitolyo?

Eh, wala namang imposible kung susubukan. Kaya nga lamang, by history, tila hindi kinakagat ng Catandunganon ang mga magkakapamilya lalo na sa pagiging goberbador at kongresman, pero wala pang nagtry sa pagiging bise at gobernador?

Kung magiging one on one ang labanan sa pagiging gobernador sa islang kayganda, mas magiging exciting ang labanan sa darating na halalan dahil pareho umanong merong makinaryas at datung ang magkabilang panig..hikhikhik!

*******

Sa bayan ng San Andres, posibleng tumakbo umanong alkalde si dating mayor na si Dr. Ali Romano dahil graduate na si Mayor Boste Cua. Ang sure ng tatakbo ngayon sa pagka-alkalde ay ang incumbent VM na si Atty. Leo Mendoza na bayaw ni Mayor Bos Te. Ayon sa ating bubuwit, balak ring tumakbo bilang alkalde ni konsehal at ex-officio Allan Del valle.

Ang tanong, sa anong kondisyon posibleng iwanan ni Dok Ali ang kanyang trabaho sa JMA hospital?

********

Sa Caramoran, tila women power parin ang labanan. Kasali riyan ang incumbent mayor na si Glenda Aguilar, dating alkalde Agnes Popa, VM Sheryl Barro at a certain Manlangit na kumandidato na last election.

Sa bayan ng Bagamanoc, sure na ang banggaan nina dating alkalde Vincent Villaluna at VM Odilon Pascua. Sa Panganiban, sure din ang banggaan ng incumbent Vice Mayor Remelito Cabrera at Mayor Cesar Robles.

Inaasahan naman ang muling pagkandidato ng dating alkalde sa Gigmoto Ding Guerrero laban ki Mayor Vicente Tayam. Sa bayan ng Baras, tila walang kalaban this time ang alkalde na si Paolo Teves. Pero, meron umanong gustong magfile, pero secret pa sa ngayon..hikhikhikhik!

Sa bayan ng Virac, sure ang rebansa nina Mayor Posoy Sarmiento at dating Mayor Sammy Laynes. Super ready umano si dating alkalde Laynes para muling sikwatin ang inagaw sa kanyang pwesto, pero ever ready naman umano si Mayor Posoy na idepensa ang kanyang pwesto..hikhikhikhik!

Sa bayan ng Bato, walang choice si PBM Templonuevo kundi targetin ang pagiging bise alkalde dahil 3rd termer na ito sa pagiging bokal. May interes pa rin umano si dating alkalde Leo Rodriguez, kaya’t magiging makulay rin ang labanan sa bayan bato.

***********

Advertisement