Muntik ng mahulog sa kanyang inuupuan ang opisyal ng DOST matapos marinig na 25 pesos nalang ang presyo ng Abaca fiber sa islang kayganda? Hikhikhihikhik!

Ayon sa ating bubuwit, tila hindi makapaniwala ang opisyal na bumibili sila ng dolyar na bandala, pero sa islang kayganda, gusto nalang hingin ang abaca fibers..hikhikhikhik!

Ayon sa opisyal, maliban sa wala silang mahagilap na abaca fiber sa kanilang lugar , bakit ganun kamura sa isla samantalang sa ibang lugar ay 200 pesos? How come na sa islang kayganda, nagmumurahan ang presyo na umaabot lamang sa 25 pesos samantalang dolyar sa ibang lugar?

Beke nemen, ang hinahanap nilang 200 pesos ay yong mga hindi kayang habulin ng mga abakaleros dahil sa bigat bandalain hikhikhihik!? Siyempre, mahal talaga yon at tila papatayin ka sa pagod, pero ano ang solusyon dito?

Sa tingin ko rito, kailangan ng bagong gamit ang mga abakaleros para makuha ang sinasabing S2 na kanilang hinahanap..hikhihikhik! Kung gusto talagang tulungan ang mga abakaleros, eh bakit hindi sila bumibili ng spindle machine na mas madali sa trabaho ng mga abakaleros. Kaysa ayuda ang ibibigay nito, eh makina na nalang ang ipamigay nyo, kung pwede..hikhkhikhikhkik!

Nito kasing halos isang taon, ayon kay Mayor Camano ng San Miguel, halos 20 pesos na ang ibinawas ng presyo at patuloy pa aniyang bumababa ito, kaya’t ang option magkaroon ng alternatibong hanapbuhay ang mga abakaleros kagaya ng gulayan ni Mang Kikoy sa San Miguel.

Samantala, proud naman ang Regional Director ng PhilFIDA na tumataas umano ang bilang ng mga abakaleros. Aniya, hindi nila nakikita na nahihirapan ang mga abakaleros sa presyo samantalang tumataas ang bilang ng mga ito? Hikhikhikhikhik!

Hindi umano sila naniniwala na nag divert na ng hanapbuhay ang mga abakaleros dahil halos tumaas ang bilang nito kaysa sa nakalipas na mga taon.

Ginagamitan ng PhilFida ng maling analysis. Eh papano hindi dumami ang bilang na naglibot kayo nitong nakalipas na taon sa pangakong merong mga ibibigay na ayuda doon sa pinangako ni Digong tatlong taon na ang nakalilipas. Siyempre, pag-ayuda maraming magpapalista, pero, na validate ba ninyo kung tunay ngang abakaleros ang mga iyon?

Sabi pa ng PhilFIDA, epekto umano ng giyera sa Ukraine at Russia ang dahilan kung bakit bumabagsak ang presyo ng Abaca? Hikhikhikhikhik! Dami niyong mga alibi mga sir para pag tagkpan ang inyong kahinaan.

Baka nga, merong problema sa tanggapan ng tagapangasiwa ng naturang ahensya, laging rason ang giyera, eh, ano bang magandang solusyon? Kung habang buhay giyera, hahayaan niyo nalang na lumubog ang mga umaasa sa abaka? Buti nga, nagising kayo ng isang farmer na matagal ng umaangal sa presyuhan ng abaca sa islang kayganda.

Naturingan pa umanong Abaca Capital ng Pinas ang Islang kayganda, pero hindi naman gumaganda ang buhay ng mga abakaleros. Nakikita nating, tila basta lang makapag perform ang PhilFIDA sa isla, pero walang masyadong effort kung papano tumaas ang presyo. Yon lang naman ang kaligayan ng mga abakaleros, tumaas ang presyo, tapos..hikhikhikhihik! 

KITA KITZZ MGA KAPERYODIKO!

Advertisement